Mga Gawa 16
Ang Biblia, 2001
Sumama si Timoteo kina Pablo at Silas
16 Nakarating si Pablo[a] sa Derbe at sa Listra. Naroon ang isang alagad na ang pangalan ay Timoteo, na anak ng isang babaing Judio na mananampalataya, ngunit Griyego ang kanyang ama.
2 Maganda ang patotoo tungkol sa kanya ng mga kapatid sa Listra at Iconio.
3 Nais ni Pablo na sumama sa kanya si Timoteo; at nang kanyang kunin siya ay kanyang tinuli dahil sa mga Judio na nasa mga lugar na iyon sapagkat nalalaman ng lahat na ang kanyang ama ay isang Griyego.
4 At sa kanilang paglalakbay sa mga bayan-bayan, kanilang dinadala sa kanila ang mga utos na napagpasiyahan ng mga apostol at ng matatanda sa Jerusalem.
5 Kaya't ang mga iglesya ay lumakas sa pananampalataya at nadagdagan ang kanilang bilang araw-araw.
Ang Pangitain ni Pablo sa Troas
6 At naglakbay sila sa lupain ng Frigia at Galacia, dahil pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na ipangaral ang salita sa Asia.
7 Nang sila'y dumating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang makapasok sa Bitinia ngunit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus.
8 At paglampas nila sa Misia ay nagtungo sila sa Troas.
9 Nang gabing iyon ay lumitaw ang isang pangitain kay Pablo: may isang lalaking taga-Macedonia na nakatayo at nakikiusap sa kanya na sinasabi, “Tumawid ka patungo sa Macedonia, at tulungan mo kami.”
10 At pagkakita niya sa pangitain, sinikap naming pumunta agad sa Macedonia, na naniniwalang kami'y tinawag ng Diyos upang ipangaral ang magandang balita sa kanila.
Nanampalataya si Lydia
11 Kaya't pagtulak mula sa Troas, tumuloy kami sa Samotracia, at nang sumunod na araw ay sa Neapolis;
12 at mula roo'y sa Filipos, na pangunahing lunsod sa distrito ng Macedonia, at ito'y sakop ng Roma. Kami ay tumigil sa lunsod na ito nang ilang araw.
13 At sa araw ng Sabbath ay pumunta kami sa labas ng pintuan sa may tabi ng ilog na sa palagay namin ay may dakong panalanginan, at kami'y umupo, at nakipag-usap sa mga babaing nagtitipon doon.
14 At nakinig sa amin ang isang babaing ang pangalan ay Lydia na sumasamba sa Diyos. Siya'y mula sa lunsod ng Tiatira at isang mangangalakal ng mga telang kulay-ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang puso upang makinig na mabuti sa mga bagay na sinasabi ni Pablo.
15 Nang siya'y mabautismuhan na, kasama ang kanyang sambahayan, ay nakiusap siya sa amin, na sinasabi, “Kung inyong hinatulan na ako'y tapat sa Panginoon, tumuloy kayo sa aking bahay, at doon tumigil.” At kami'y napilit niya.
Nabilanggo sina Pablo at Silas sa Filipos
16 Samantalang papunta kami sa dakong panalanginan, sinalubong kami ng isang aliping batang babae na may espiritu ng panghuhula at nagdadala ng maraming pakinabang sa kanyang mga amo sa pamamagitan ng panghuhula.
17 Siya'y sumusunod kay Pablo at sa amin, na sumisigaw, “Ang mga taong ito ay mga alipin ng Kataas-taasang Diyos, na nagpapahayag sa inyo ng daan ng kaligtasan.”
18 At ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit nang mabagabag na si Pablo ay lumingon siya at sinabi sa espiritu, “Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesu-Cristo na lumabas ka sa kanya.” At ito ay lumabas nang oras ding iyon.
19 Ngunit nang makita ng kanyang mga amo na wala na ang inaasahan nilang pakinabang ay hinuli nila sina Pablo at Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan, sa harapan ng mga pinuno.
20 Nang maiharap na sila sa mga hukom, ay sinabi nila, “Ang mga taong ito ay mga Judio, at ginugulo nila ang ating lunsod.
21 Nagtuturo sila ng mga kaugaliang hindi ipinahihintulot sa ating mga Romano na tanggapin at gawin.”
22 Ang maraming tao ay sama-samang tumindig laban sa kanila; at pinunit ng mga hukom ang mga damit nina Pablo at Silas,[b] at ipinag-utos na hagupitin sila.
23 Nang sila'y mahagupit na nila nang maraming ulit, itinapon sila sa bilangguan, at pinagbilinan ang tanod ng bilangguan na sila'y bantayang mabuti.
24 Nang kanyang matanggap ang utos na ito, kanyang ipinasok sila sa kaloob-looban ng bilangguan at ikinabit ang kanilang mga paa sa mga panggapos.
25 Ngunit nang maghahating-gabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at sila'y pinapakinggan ng mga bilanggo.
26 At biglang nagkaroon ng isang malakas na lindol, anupa't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig, agad na nabuksan ang lahat ng mga pinto, at nakalag ang mga tanikala ng bawat isa.
27 Nang magising ang bantay ng bilangguan at makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan, binunot niya ang kanyang tabak at magpapakamatay na sana dahil sa pag-aakalang nakatakas ang mga bilanggo.
28 Ngunit sumigaw si Pablo nang malakas, “Huwag mong saktan ang iyong sarili, sapagkat naririto kaming lahat.”
29 At ang bantay[c] ay humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at nanginginig sa takot na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas.
30 Nang sila'y mailabas ay sinabi niya, “Mga ginoo, ano ang kailangan kong gawin upang maligtas?”
31 At kanilang sinabi, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”
32 Ipinangaral nila sa kanya ang salita ng Panginoon at sa lahat ng nasa kanyang bahay.
33 Sila'y kanyang kinuha nang oras ding iyon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga sugat, at agad siyang binautismuhan, pati ang buo niyang sambahayan.
34 Sila'y kanyang pinapanhik sa kanyang bahay at hinainan sila ng pagkain. Siya at ang kanyang buong sambahayan ay nagalak na sumampalataya siya sa Diyos.
35 Kinaumagahan, ang mga hukom ay nagsugo ng mga kawal, na nagsasabi, “Pakawalan mo ang mga taong iyon.”
36 At iniulat ng bantay ng bilangguan kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, “Ipinag-utos ng mga hukom na kayo'y pakawalan; kaya't ngayon ay lumabas kayo at humayo nang payapa.”
37 Subalit sinabi sa kanila ni Pablo, “Pinalo nila kami sa harap ng bayan, na hindi nahatulan, mga lalaking Romano, at kami'y itinapon sa bilangguan at ngayo'y lihim na kami'y pawawalan nila? Hindi maaari! Hayaan silang pumarito at kami'y pakawalan.”
38 Iniulat ng mga kawal ang mga salitang ito sa hukom at sila'y natakot nang kanilang marinig na sila'y mga mamamayang Romano;
39 kaya sila'y dumating at humingi sa kanila ng paumanhin. At sila'y kanilang inilabas at hiniling sa kanila na lisanin ang lunsod.
40 Nang sila'y makalabas sa bilangguan, pumunta sila kay Lydia; at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, pagkatapos ay umalis.
Footnotes
- Mga Gawa 16:1 Sa Griyego ay siya .
- Mga Gawa 16:22 Sa Griyego ay nila .
- Mga Gawa 16:29 Sa Griyego ay siya .
Mga Gawa 16
Ang Biblia (1978)
16 At siya'y naparoon din naman sa (A)Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang (B)Timoteo, na (C)anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama.
2 Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio.
3 Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at (D)kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego.
4 At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila (E)ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang tuparin.
5 Kaya nga, (F)ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.
6 At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at (G)Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;
7 At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;
8 At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa (H)Troas.
9 At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.
10 At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio.
11 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis;
12 At mula doo'y (I)ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang (J)una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.
13 At nang araw (K)ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.
14 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng (L)Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.
15 At nang siya'y mabautismuhan na, (M)at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako'y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo'y magsitira doon. At kami'y pinilit niya.
16 At nangyari, na nang kami'y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula.
17 Siya'y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw, na sinasabi, Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito, na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan.
18 At maraming mga araw na ginawa niya ito. Datapuwa't palibhasa'y si Pablo ay totoong nababagabag, ay lumingon at sinabi sa espiritu, Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon.
19 Datapuwa't nang makita ng (N)kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan, ay hinuli nila si Pablo at si Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan, sa harapan ng mga may kapangyarihan,
20 At nang maiharap na sila sa mga hukom, ay sinabi nila, Ang mga lalaking ito, palibhasa'y mga Judio, (O)ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan,
21 At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin, o gawin, palibhasa tayo'y (P)Romano.
22 At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit, at (Q)ipinapalo sila ng mga panghampas.
23 At nang sila'y (R)mapalo na nila ng marami, ay ipinasok sila sa bilangguan, na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila'y bantayang maigi:
24 Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan.
25 Datapuwa't nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila'y pinakikinggan ng mga bilanggo;
26 At (S)kaginsaginsa'y nagkaroon ng isang malakas na lindol, ano pa't nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan: at pagdaka'y nangabuksan ang (T)lahat ng mga pinto; at nangakalas ang mga gapos ng bawa't isa.
27 At ang tagapamahala, palibhasa'y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan, ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana, sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo.
28 Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat.
29 At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas,
30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
31 At kanilang sinabi, (U)Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at (V)ang iyong sangbahayan.
32 At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
33 At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
34 At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.
35 Datapuwa't nang umaga na, ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento, na nagsasabi, Pawalan mo ang mga taong iyan.
36 At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, Ipinagutos ng mga hukom na kayo'y pawalan: ngayon nga'y magsilabas kayo, at magsiyaon kayong payapa.
37 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Pablo, Pinalo nila kami sa hayag, na hindi nangahatulan, (W)bagama't mga lalaking Romano, at kami'y ibinilanggo; at ngayo'y lihim na kami'y pinawawalan nila? tunay na hindi nga; kundi sila rin ang magsiparito at kami'y pawalan.
38 At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom: at (X)sila'y nangatakot nang kanilang marinig na sila'y mga Romano;
39 At sila'y nagsiparoon at pinamanhikan sila; at nang kanilang mailabas na sila, ay hiniling nila (Y)sa kanila na magsilabas sa bayan.
40 At sila'y nagsilabas sa bilangguan, at (Z)nagsipasok sa bahay ni Lidia: at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, at nagsialis.
Mga Gawa 16
Ang Dating Biblia (1905)
16 At siya'y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang Timoteo, na anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama.
2 Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio.
3 Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego.
4 At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang tuparin.
5 Kaya nga, ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.
6 At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;
7 At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;
8 At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa Troas.
9 At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.
10 At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio.
11 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis;
12 At mula doo'y ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.
13 At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.
14 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.
15 At nang siya'y mabautismuhan na, at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako'y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo'y magsitira doon. At kami'y pinilit niya.
16 At nangyari, na nang kami'y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula.
17 Siya'y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw, na sinasabi, Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito, na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan.
18 At maraming mga araw na ginawa niya ito. Datapuwa't palibhasa'y si Pablo ay totoong nababagabag, ay lumingon at sinabi sa espiritu, Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon.
19 Datapuwa't nang makita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan, ay hinuli nila si Pablo at si Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan, sa harapan ng mga may kapangyarihan,
20 At nang maiharap na sila sa mga hukom, ay sinabi nila, Ang mga lalaking ito, palibhasa'y mga Judio, ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan,
21 At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin, o gawin, palibhasa tayo'y Romano.
22 At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit, at ipinapalo sila ng mga panghampas.
23 At nang sila'y mapalo na nila ng marami, ay ipinasok sila sa bilangguan, na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila'y bantayang maigi:
24 Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan.
25 Datapuwa't nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila'y pinakikinggan ng mga bilanggo;
26 At kaginsaginsa'y nagkaroon ng isang malakas na lindol, ano pa't nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan: at pagdaka'y nangabuksan ang lahat ng mga pinto; at nangakalas ang mga gapos ng bawa't isa.
27 At ang tagapamahala, palibhasa'y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan, ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana, sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo.
28 Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat.
29 At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas,
30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.
32 At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
33 At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
34 At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.
35 Datapuwa't nang umaga na, ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento, na nagsasabi, Pawalan mo ang mga taong iyan.
36 At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, Ipinagutos ng mga hukom na kayo'y pawalan: ngayon nga'y magsilabas kayo, at magsiyaon kayong payapa.
37 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Pablo, Pinalo nila kami sa hayag, na hindi nangahatulan, bagama't mga lalaking Romano, at kami'y ibinilanggo; at ngayo'y lihim na kami'y pinawawalan nila? tunay na hindi nga; kundi sila rin ang magsiparito at kami'y pawalan.
38 At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom: at sila'y nangatakot nang kanilang marinig na sila'y mga Romano;
39 At sila'y nagsiparoon at pinamanhikan sila; at nang kanilang mailabas na sila, ay hiniling nila sa kanila na magsilabas sa bayan.
40 At sila'y nagsilabas sa bilangguan, at nagsipasok sa bahay ni Lidia: at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, at nagsialis.
Acts 16
New International Version
Timothy Joins Paul and Silas
16 Paul came to Derbe and then to Lystra,(A) where a disciple named Timothy(B) lived, whose mother was Jewish and a believer(C) but whose father was a Greek. 2 The believers(D) at Lystra and Iconium(E) spoke well of him. 3 Paul wanted to take him along on the journey, so he circumcised him because of the Jews who lived in that area, for they all knew that his father was a Greek.(F) 4 As they traveled from town to town, they delivered the decisions reached by the apostles and elders(G) in Jerusalem(H) for the people to obey.(I) 5 So the churches were strengthened(J) in the faith and grew daily in numbers.(K)
Paul’s Vision of the Man of Macedonia
6 Paul and his companions traveled throughout the region of Phrygia(L) and Galatia,(M) having been kept by the Holy Spirit from preaching the word in the province of Asia.(N) 7 When they came to the border of Mysia, they tried to enter Bithynia, but the Spirit of Jesus(O) would not allow them to. 8 So they passed by Mysia and went down to Troas.(P) 9 During the night Paul had a vision(Q) of a man of Macedonia(R) standing and begging him, “Come over to Macedonia and help us.” 10 After Paul had seen the vision, we(S) got ready at once to leave for Macedonia, concluding that God had called us to preach the gospel(T) to them.
Lydia’s Conversion in Philippi
11 From Troas(U) we put out to sea and sailed straight for Samothrace, and the next day we went on to Neapolis. 12 From there we traveled to Philippi,(V) a Roman colony and the leading city of that district[a] of Macedonia.(W) And we stayed there several days.
13 On the Sabbath(X) we went outside the city gate to the river, where we expected to find a place of prayer. We sat down and began to speak to the women who had gathered there. 14 One of those listening was a woman from the city of Thyatira(Y) named Lydia, a dealer in purple cloth. She was a worshiper of God. The Lord opened her heart(Z) to respond to Paul’s message. 15 When she and the members of her household(AA) were baptized,(AB) she invited us to her home. “If you consider me a believer in the Lord,” she said, “come and stay at my house.” And she persuaded us.
Paul and Silas in Prison
16 Once when we were going to the place of prayer,(AC) we were met by a female slave who had a spirit(AD) by which she predicted the future. She earned a great deal of money for her owners by fortune-telling. 17 She followed Paul and the rest of us, shouting, “These men are servants of the Most High God,(AE) who are telling you the way to be saved.” 18 She kept this up for many days. Finally Paul became so annoyed that he turned around and said to the spirit, “In the name of Jesus Christ I command you to come out of her!” At that moment the spirit left her.(AF)
19 When her owners realized that their hope of making money(AG) was gone, they seized Paul and Silas(AH) and dragged(AI) them into the marketplace to face the authorities. 20 They brought them before the magistrates and said, “These men are Jews, and are throwing our city into an uproar(AJ) 21 by advocating customs unlawful for us Romans(AK) to accept or practice.”(AL)
22 The crowd joined in the attack against Paul and Silas, and the magistrates ordered them to be stripped and beaten with rods.(AM) 23 After they had been severely flogged, they were thrown into prison, and the jailer(AN) was commanded to guard them carefully. 24 When he received these orders, he put them in the inner cell and fastened their feet in the stocks.(AO)
25 About midnight(AP) Paul and Silas(AQ) were praying and singing hymns(AR) to God, and the other prisoners were listening to them. 26 Suddenly there was such a violent earthquake that the foundations of the prison were shaken.(AS) At once all the prison doors flew open,(AT) and everyone’s chains came loose.(AU) 27 The jailer woke up, and when he saw the prison doors open, he drew his sword and was about to kill himself because he thought the prisoners had escaped.(AV) 28 But Paul shouted, “Don’t harm yourself! We are all here!”
29 The jailer called for lights, rushed in and fell trembling before Paul and Silas.(AW) 30 He then brought them out and asked, “Sirs, what must I do to be saved?”(AX)
31 They replied, “Believe(AY) in the Lord Jesus, and you will be saved(AZ)—you and your household.”(BA) 32 Then they spoke the word of the Lord to him and to all the others in his house. 33 At that hour of the night(BB) the jailer took them and washed their wounds; then immediately he and all his household were baptized.(BC) 34 The jailer brought them into his house and set a meal before them; he(BD) was filled with joy because he had come to believe in God—he and his whole household.
35 When it was daylight, the magistrates sent their officers to the jailer with the order: “Release those men.” 36 The jailer(BE) told Paul, “The magistrates have ordered that you and Silas be released. Now you can leave. Go in peace.”(BF)
37 But Paul said to the officers: “They beat us publicly without a trial, even though we are Roman citizens,(BG) and threw us into prison. And now do they want to get rid of us quietly? No! Let them come themselves and escort us out.”
38 The officers reported this to the magistrates, and when they heard that Paul and Silas were Roman citizens, they were alarmed.(BH) 39 They came to appease them and escorted them from the prison, requesting them to leave the city.(BI) 40 After Paul and Silas came out of the prison, they went to Lydia’s house,(BJ) where they met with the brothers and sisters(BK) and encouraged them. Then they left.
Footnotes
- Acts 16:12 The text and meaning of the Greek for the leading city of that district are uncertain.
Apostolok 16
Hungarian Bible: Easy-to-Read Version
Timóteus csatlakozik Pálhoz
16 Pál ezután elment Derbébe, majd Lisztrába. Élt ott egy Timóteus nevű tanítvány, akinek az anyja Jézusban hívő zsidó, az apja pedig görög volt. 2 Timóteusról jó véleménye volt a lisztrai és az ikóniumi testvéreknek. 3 Pál magával akarta vinni Timóteust, de azon a környéken a zsidók mind tudták, hogy Timóteus apja görög volt. Pál emiatt — a zsidókra való tekintettel — körülmetélte Timóteust. 4 Ezután együtt mentek városról-városra, és mindenhol elmondták a hívőknek azt a határozatot, amelyet az apostolok és a jeruzsálemi gyülekezet vezetői hoztak. Kérték őket, hogy ennek megfelelően éljenek. 5 Így a helyi gyülekezetek erősödtek a hitben, és napról-napra egyre többen csatlakoztak hozzájuk.
Isten Macedóniába küldi Pált
6 Pál és társai Kis-Ázsiában is szerették volna hirdetni az Isten üzenetét, de a Szent Szellem nem engedte nekik, hogy arrafelé menjenek. Ezért keresztülutaztak Frígia és Galácia vidékén. 7 Amikor Mízia határához értek, Bitíniába akartak menni, de Jézus Szelleme oda sem engedte őket. 8 Ezért Mízia mellett elhaladva Tróászba mentek.
9 Azon az éjszakán Pál látomást látott: egy macedón férfi állt előtte, és így kérte: „Gyere át Macedóniába, és segíts nekünk!” 10 Pál látomása után azonnal elhatároztuk, hogy Macedóniába megyünk.[a] A látomásból megértettük, hogy Isten oda hívott bennünket, hogy ott is hirdessük az örömüzenetet.
Jézus első tanítványai Európában
11 Tróászban hajóra szálltunk, és egyenesen Szamotráké szigetére mentünk. Innen másnap továbbhajóztunk Neápoliszba, majd 12 a macedóniai Filippi városába érkeztünk, ahol rómaiak laktak. Ez volt a legjelentősebb város Macedóniának ebben a részében. Itt több napot töltöttünk.
13 Szombaton kimentünk a városkapun túl, a folyóhoz. Azt gondoltuk, hogy ott van az a hely, ahol néhányan imádkozni szoktak. A folyó partján leültünk, és beszélgetni kezdtünk az összegyűlt asszonyokkal. 14 Néhányan közülük figyelmesen hallgattak ránk, különösen egy Lídia nevű asszony, aki Thiatíra városából származott, és drága, bíborszínű szövetekkel kereskedett. Lídia már korábban is az igaz Istent imádta, és az Úr megnyitotta a szívét, hogy elfogadja, amit Pál mondott. 15 Ezután Lídia egész családjával együtt bemerítkezett, majd meghívott bennünket az otthonába. Ezt mondta: „Ha elfogadtok engem az Úr Jézus igazi követőjének, akkor jöjjetek a házamhoz, és legyetek a vendégeim!” Így rábeszélt bennünket, hogy vele menjünk.
Az apostolok kiszabadulnak a börtönből
16 Történt egyszer, hogy amikor az imádkozás helyére mentünk, szembejött velünk egy rabszolgalány, akiben a jövendőmondás szelleme[b] lakott. Ez a leány sok pénzt szerzett a gazdáinak azzal, hogy jövendölt az embereknek. 17 Állandóan követte Pált és csoportját, és közben így kiáltozott: „Ezek a férfiak a Magasságos Isten szolgái, akik az üdvösségre vezető utat hirdetik nektek!” 18 Ez így ment több napon keresztül. Végül Pál megelégelte, hátrafordult, és azt mondta a leányban lakó gonosz szellemnek: „Jézus Krisztus nevében parancsolom neked, hogy menj ki ebből a leányból!” Erre a jövendőmondó szellem azonnal kiment belőle.
19 Amikor a rabszolgalány gazdái megértették, hogy többé nem tudnak pénzt keresni a leány segítségével, megragadták Pált és Szilászt, és a piactérre hurcolták őket, a város vezetői elé. 20 Ott azután így vádolták őket: „Ezek a férfiak zsidók, és felforgatják városunk nyugalmát! 21 Olyan szokásokat tanítanak, amelyeket nekünk — római polgároknak — törvényellenes lenne elfogadnunk, vagy követnünk.”
22 Velük együtt az összegyűlt sokaság is vádolta Pált és Szilászt. A város vezetői pedig letépték róluk a ruhát, és megparancsolták, hogy botozzák meg őket. 23 Miután sok botütést mértek rájuk, börtönbe zárták őket, és megparancsolták a börtönőrnek, hogy szigorú őrizet alatt tartsa a foglyokat. 24 A börtönőr — a parancs szerint — a belső börtöncellába zárta őket, és még a lábukat is megkötözte.[c]
25 A börtönben az éjszaka közepén Pál és Szilász imádkoztak, és dicséreteket énekeltek Istennek, a többi fogoly pedig hallgatta őket. 26 Hirtelen erős földrengés támadt, amely az alapjáig megrázta az egész börtönt. Az ajtók azonnal kinyíltak, és a foglyokról leestek a láncok. 27 A börtönőr felébredt, és látta, hogy a börtönajtók nyitva vannak. Kivonta a kardját, és öngyilkos akart lenni, mert azt hitte, hogy a foglyok megszöktek.[d] 28 Pál azonban odakiáltott neki: „Meg ne öld magad, mert mindannyian itt vagyunk!”
Higgy az Úr Jézusban, és üdvözülsz
29 Az őr ekkor szólt, hogy hozzanak valami világítóeszközt, majd berohant a börtönbe. Remegett a félelemtől, és Pál, meg Szilász lába elé borult. 30 Azután kivezette őket, és azt kérdezte: „Férfiak, mit tegyek, hogy üdvözülhessek?”
31 Pálék így válaszoltak: „Higgy az Úr Jézusban, és üdvözülni fogsz te is, meg a családod is.” 32 Azután elmondták az Úr üzenetét a börtönőrnek és mindazoknak, akik a házában voltak. 33 Ő pedig még akkor éjjel kimosta Pál és Szilász sebeit, és egész családjával együtt bemerítkezett. 34 Ezután behívta őket a saját házába, megvendégelte őket, és egész családjával együtt teljes szívvel örvendezett, hogy most már ők is hisznek Istenben.
35 Reggel a város vezetői katonákat küldtek a börtönőrhöz ezzel az üzenettel: „Engedd szabadon azokat a férfiakat!”
36 A börtönőr ezt Pálnak is tudtára adta: „A város vezetői azt üzenték, hogy engedjelek szabadon benneteket. Most tehát szabadok vagytok. Menjetek békével!”
37 De Pál ezt mondta a katonáknak: „Vezetőitek nem bizonyították ránk, hogy bűnt követtünk volna el. Ennek ellenére nyilvánosan megvertek, és börtönbe zártak bennünket. Mi római polgárok[e] vagyunk, és jogaink vannak. Most meg titokban akarnak elküldeni?! Azt már nem! Jöjjenek csak ide, és ők maguk vezessenek ki minket!”
38 A katonák visszamentek a város vezetőihez, és átadták Pál üzenetét. Amikor a vezetők megtudták, hogy Pál és Szilász római állampolgárok, megijedtek. 39 Odamentek hozzájuk, és bocsánatot kértek tőlük. Azután kivezették őket a börtönből, és kérték, hogy menjenek el a városból. 40 Pál és Szilász a börtönből Lídia házához ment, és ott találkoztak a testvérekkel. Bátorították őket, majd továbbindultak Filippiből.
Footnotes
- Apostolok 16:10 megyünk Lukács, az ApCsel írója ezen a ponton csatlakozott Pálhoz, és vele ment Macedóniába (Filippibe). Amikor Pál tovább ment onnan (ApCsel 16:40), Lukács Filippiben maradt.
- Apostolok 16:16 jövendőmondás szelleme A Sátánt szolgáló gonosz szellem, aki ezt a különleges képességet adta a leánynak. A 18. versben is.
- Apostolok 16:24 megkötözte Szó szerint: „kalodába zárta”.
- Apostolok 16:27 Ekkor… megszöktek Azért akart öngyilkos lenni, mert ha a foglyok megszöknek, akkor őt kivégzik.
- Apostolok 16:37 római polgárok A római jog szerint római állampolgárt nem volt szabad a tárgyalás előtt megkorbácsolni.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Copyright © 2003, 2012 by World Bible Translation Center

