Font Size
Mga Gawa 16:11-13
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 16:11-13
Magandang Balita Biblia
Sumampalataya si Lydia
11 Mula sa Troas, tuluy-tuloy kaming naglayag papuntang Samotracia, at kinabukasa'y sa Neapolis. 12 Mula naman roo'y nagpunta kami sa Filipos, isang pangunahing lungsod na sakop ng mga Romano sa dakong iyon ng Macedonia. Nanatili kami roon nang ilang araw. 13 At nang Araw ng Pamamahinga, lumabas kami ng lungsod at nagpunta sa tabing-ilog, sa pag-aakalang doon ay may pinagtitipunan ang mga Judio upang manalangin. Naupo kami at nakipag-usap sa mga babaing nagkakatipon doon.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.