Font Size
Mga Gawa 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Katulong nila si Juan[a] sa kanilang gawain.
6 Nilibot nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Natagpuan nila roon ang isang salamangkerong Judio na isang huwad na propeta; Bar-Jesus ang kanyang pangalan. 7 Kaibigan ito ni gobernador Sergio Paulo, isang lalaking matalino. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo sapagkat nais niyang marinig ang salita ng Diyos.
Read full chapterFootnotes
- 5 JUAN: Ang Juan na ito ay tinatawag ding Marcos (tingnan ang 12:12).