Font Size
Mga Gawa 13:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 13:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagkasugo kina Bernabe at Saulo
13 May mga propeta at mga guro sa iglesya sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinatawag ding Maitim, Lucio na taga-Cirene, Manaen na kababata ni Herodes[a] na pinuno ng Galilea at Saulo. 2 Habang sila'y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila'y pinili ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.”
Read full chapterFootnotes
- 1 HERODES: Ito ay si Herodes Antipas na anak ni Herodes na Dakila.