Mga Gawa 12
Magandang Balita Biblia
Panibagong Pag-uusig
12 Nang mga panahon ding iyon, sinimulang usigin ni Haring Herodes[a] ang ilang kaanib ng iglesya. 2 Ipinapatay niya sa pamamagitan ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan. 3 At nang makita niyang ito'y ikinalugod ng mga Judio, si Pedro naman ang kanyang ipinadakip. Nangyari ito noong Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. 4 Pagkadakip(A) kay Pedro, siya'y ikinulong at pinabantayan sa apat na pangkat ng tig-aapat na kawal. Ang balak ni Herodes ay iharap siya sa bayan pagkatapos ng Paskwa, 5 kaya't nanatiling nakabilanggo si Pedro. Subalit ang iglesya ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa kanya.
Pinalaya ng Anghel si Pedro
6 Nang gabi bago iharap ni Herodes si Pedro sa bayan, natutulog ito sa pagitan ng dalawang kawal. Nakagapos siya ng dalawang tanikala at may mga bantay pa sa harap ng pinto ng bilangguan. 7 Walang anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa silid-piitan. Tinapik nito si Pedro sa tagiliran at ginising. “Dali, bumangon ka,” sabi ng anghel. Nakalag ang mga tanikala sa mga kamay ni Pedro. 8 “Magbihis ka't magsuot ng sandalyas,” sabi ng anghel, at ganoon nga ang kanyang ginawa. Sinabi pa sa kanya ng anghel, “Magbalabal ka't sumunod sa akin.”
9 Lumabas at sumunod si Pedro sa anghel, ngunit hindi niya alam kung totoo nga ang nangyayaring iyon. Akala niya'y pangitain lamang iyon. 10 Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay at nakarating sa pintuang bakal na labasan papunta sa lungsod. Ito'y kusang bumukas at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang kalye, bigla siyang iniwan ng anghel.
11 Noon natauhan si Pedro, kaya't sinabi niya, “Ngayon ko natiyak na totoo pala ang lahat! Isinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa inaasahan ng mga Judio na mangyari sa akin.”
12 Nang maunawaan niya ang nangyari, nagpunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming nagkakatipon doon at nananalangin. 13 Nang si Pedro ay kumatok sa pinto, lumapit si Roda na isang katulong upang tingnan kung sino iyon. 14 Nakilala niya ang tinig ni Pedro, dahil sa tuwa ay tumakbo siyang papasok ng bahay nang hindi pa nabubuksan ang pinto, at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan.
15 “Nahihibang ka!” sabi nila. Ngunit iginiit niyang naroroon nga si Pedro. Kaya't sinabi nila, “Anghel niya iyon!” 16 Samantala, patuloy na kumakatok si Pedro.
Nang buksan nila ang pinto, nakita nga nila si Pedro at hindi sila makapaniwala. 17 Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos, isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. “Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos, umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil sa pagkawala ni Pedro, at hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya. 19 Ipinahanap ni Herodes si Pedro, at nang hindi matagpuan ay ipinasiyasat ang mga bantay at ipinapatay.
Pagkatapos, umalis si Herodes sa Judea, pumunta sa Cesarea at nanatili roon.
Ang Pagkamatay ni Herodes
20 Matagal(B) nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at mga taga-Sidon. Kaya't sama-samang lumapit sa kanya ang mga taga-Tiro at taga-Sidon upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang tagapamahala sa palasyo, upang sila'y samahan. 21 Pagsapit ng takdang araw, si Herodes ay nagsuot ng damit-hari, umupo sa trono, at nagtalumpati. 22 Sumigaw ang mga taong-bayan, “Isang diyos ang nagsasalita, hindi tao!” 23 At noon din ay hinampas ng isang anghel ng Panginoon si Herodes, sapagkat inangkin niya ang karangalang nauukol sa Diyos; at siya'y kinain ng mga uod hanggang sa mamatay.
24 Samantala, patuloy na lumago at lumaganap ang salita ng Diyos.
25 Nang matapos nina Bernabe at Saulo ang kanilang tungkulin, bumalik sila sa Jerusalem[b] kasama si Juan na tinatawag ding Marcos.
Footnotes
- Mga Gawa 12:1 HARING HERODES: Si Herod Agripa I, pinuno ng buong Palestina.
- Mga Gawa 12:25 sa Jerusalem: Sa ibang manuskrito'y mula sa Jerusalem at sa iba pang mga manuskrito'y mula sa Jerusalem patungong Antioquia .
Acts 12
New International Version
Peter’s Miraculous Escape From Prison
12 It was about this time that King Herod(A) arrested some who belonged to the church, intending to persecute them. 2 He had James, the brother of John,(B) put to death with the sword.(C) 3 When he saw that this met with approval among the Jews,(D) he proceeded to seize Peter also. This happened during the Festival of Unleavened Bread.(E) 4 After arresting him, he put him in prison, handing him over to be guarded by four squads of four soldiers each. Herod intended to bring him out for public trial after the Passover.(F)
5 So Peter was kept in prison, but the church was earnestly praying to God for him.(G)
6 The night before Herod was to bring him to trial, Peter was sleeping between two soldiers, bound with two chains,(H) and sentries stood guard at the entrance. 7 Suddenly an angel(I) of the Lord appeared and a light shone in the cell. He struck Peter on the side and woke him up. “Quick, get up!” he said, and the chains fell off Peter’s wrists.(J)
8 Then the angel said to him, “Put on your clothes and sandals.” And Peter did so. “Wrap your cloak around you and follow me,” the angel told him. 9 Peter followed him out of the prison, but he had no idea that what the angel was doing was really happening; he thought he was seeing a vision.(K) 10 They passed the first and second guards and came to the iron gate leading to the city. It opened for them by itself,(L) and they went through it. When they had walked the length of one street, suddenly the angel left him.
11 Then Peter came to himself(M) and said, “Now I know without a doubt that the Lord has sent his angel and rescued me(N) from Herod’s clutches and from everything the Jewish people were hoping would happen.”
12 When this had dawned on him, he went to the house of Mary the mother of John, also called Mark,(O) where many people had gathered and were praying.(P) 13 Peter knocked at the outer entrance, and a servant named Rhoda came to answer the door.(Q) 14 When she recognized Peter’s voice, she was so overjoyed(R) she ran back without opening it and exclaimed, “Peter is at the door!”
15 “You’re out of your mind,” they told her. When she kept insisting that it was so, they said, “It must be his angel.”(S)
16 But Peter kept on knocking, and when they opened the door and saw him, they were astonished. 17 Peter motioned with his hand(T) for them to be quiet and described how the Lord had brought him out of prison. “Tell James(U) and the other brothers and sisters(V) about this,” he said, and then he left for another place.
18 In the morning, there was no small commotion among the soldiers as to what had become of Peter. 19 After Herod had a thorough search made for him and did not find him, he cross-examined the guards and ordered that they be executed.(W)
Herod’s Death
Then Herod went from Judea to Caesarea(X) and stayed there. 20 He had been quarreling with the people of Tyre and Sidon;(Y) they now joined together and sought an audience with him. After securing the support of Blastus, a trusted personal servant of the king, they asked for peace, because they depended on the king’s country for their food supply.(Z)
21 On the appointed day Herod, wearing his royal robes, sat on his throne and delivered a public address to the people. 22 They shouted, “This is the voice of a god, not of a man.” 23 Immediately, because Herod did not give praise to God, an angel(AA) of the Lord struck him down,(AB) and he was eaten by worms and died.
24 But the word of God(AC) continued to spread and flourish.(AD)
Barnabas and Saul Sent Off
25 When Barnabas(AE) and Saul had finished their mission,(AF) they returned from[a] Jerusalem, taking with them John, also called Mark.(AG)
Footnotes
- Acts 12:25 Some manuscripts to
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.