Mga Gawa 12
Ang Dating Biblia (1905)
12 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.
2 At pinatay niya sa tabak si Santiago na kapatid ni Juan.
3 At nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.
4 At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua.
5 Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.
6 At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.
7 At narito, tumayo sa tabi niya ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.
8 At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.
9 At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain.
10 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel.
11 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga Judio.
12 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin.
13 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode.
14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.
15 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na yao'y kaniyang anghel.
16 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha.
17 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.
18 Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro.
19 At nang siya'y maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na sila'y patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira.
20 At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.
21 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa luklukan, at sa kanila'y tumalumpati.
22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.
23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.
24 Datapuwa't lumago ang salita ng Dios at dumami.
25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si Juan na may pamagat na Marcos.
Acts 12
Complete Jewish Bible
12 It was around this time that King Herod began arresting and persecuting certain members of the Messianic community; 2 and he had Ya‘akov, Yochanan’s brother, put to death by the sword. 3 When Herod saw how much this pleased the Judeans, he went on to arrest Kefa as well. It was during the Days of Matzah, 4 so when Herod seized him, he threw him in prison, handing him over to be guarded by four squads of four soldiers each, with the intention of bringing him to public trial after Pesach. 5 So Kefa was being held under watch in prison, but intense prayer was being made to God on his behalf by the Messianic community.
6 The night before Herod was going to bring him to trial, Kefa was sleeping between two soldiers. He was bound with two chains; and guards were at the door, keeping watch over the prison. 7 Suddenly an angel of Adonai stood there, and a light shone in the cell. He tapped Kefa’s side and woke him. “Hurry! Get up!” he said; and the chains fell off his hands. 8 The angel said to him, “Put on your clothes and sandals,” and he did. “Throw on your robe,” he said, “and follow me!” 9 Going out, Kefa followed him but did not realize that what was happening through the angel was real — he thought he was seeing a vision. 10 Having passed a first guard and a second, they arrived at the iron gate leading to the city. This opened to them by itself, and they made their exit. They went down the length of one street, and suddenly the angel left him. 11 Then Kefa came to himself and said, “Now I know for sure that the Lord sent his angel to rescue me from Herod’s power and from everything the Judean people were hoping for.”
12 Realizing what had happened, he went to the house of Miryam the mother of Yochanan (surnamed Mark), where many people had gathered to pray. 13 He knocked at the outside door, and a servant named Rhoda came to answer. 14 She recognized Kefa’s voice and was so happy that she ran back in without opening the door, and announced that Kefa was standing outside. 15 “You’re out of your mind!” they said to her. But she insisted it was true. So they said, “It is his angel.” 16 Meanwhile, Kefa kept knocking; and when they opened the door and saw him, they were amazed. 17 Motioning to them with his hand to be quiet, he told them how the Lord had brought him out of the prison and said, “Tell all this to Ya‘akov and the brothers.” Then he left and went elsewhere.
18 When daylight came, there was no small commotion among the soldiers over what had become of Kefa. 19 Herod had a thorough search made for him, but they failed to find him, so he cross-examined the guards and ordered them put to death. Then Herod went down from Y’hudah to Caesarea and spent some time there.
20 Now Herod was very angry with the people of Tzor and Tzidon, so they joined together and sought an audience with him. After securing the support of Blastus, the king’s chief personal servant, they asked for peace; because they depended on the king’s lands for their food supply. 21 A day was set, and Herod in his royal robes sat on the throne and made a speech to them. 22 The mob cried out, “This is the voice of a god, not a man!” 23 At once, because Herod did not give the glory to God, an angel of Adonai struck him down. He was eaten away by worms and died.
24 But the word of the Lord went on growing and being multiplied.
25 Bar-Nabba and Sha’ul, having completed their errand, returned from Yerushalayim, bringing with them Yochanan, surnamed Mark.
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.