Mga Gawa 12:22-24
Ang Dating Biblia (1905)
22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.
23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.
24 Datapuwa't lumago ang salita ng Dios at dumami.
Read full chapter
Mga Gawa 12:22-24
Ang Biblia, 2001
22 Ang taong-bayan ay nagsisigaw, “Tinig ng diyos at hindi ng tao!”
23 Agad siyang sinaktan ng isang anghel ng Panginoon sapagkat hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos. Siya'y kinain ng mga uod at namatay.
24 Ngunit ang salita ng Diyos ay patuloy na lumago at lumaganap.
Read full chapter
Gawa 12:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
22 Sumigaw ang mga tao, “Isang dios ang nagsasalita at hindi tao!” 23 Nang oras ding iyon, pinarusahan siya ng anghel ng Panginoon, dahil hindi niya binigyan ng papuri ang Dios. Inuod siya at namatay.
24 Kaya patuloy na kumalat ang salita ng Dios at lalo pang dumami ang mga mananampalataya.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
