Add parallel Print Page Options

13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (A)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (B)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.

14 Ang lahat ng mga ito'y (C)nagsisipanatiling matibay na (D)nangagkakaisa sa pananalangin (E)na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid (F)niya.

15 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),

Read full chapter