Add parallel Print Page Options

23 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, (A)Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila:

24 Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan (B)ka:

25 (C)Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, (D)at mahabag sa iyo:

26 Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.

27 (E)Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel; at aking pagpapalain sila.

Read full chapter