Add parallel Print Page Options

Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, (A)at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang (B)kaban ng patotoo:

At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang (C)takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw, at kanilang ilalagay ang mga (D)pingga niyaon.

At sa ibabaw ng (E)dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon.

At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga (F)pingga.

At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang (G)kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan:

10 At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan.

11 At ang ibabaw ng (H)dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon:

12 At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario, at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ipapatong sa patungan.

13 At kanilang aalisin ang mga abo sa (I)dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube.

14 At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga (J)mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.

15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga (K)anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: (L)datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.

Read full chapter