Add parallel Print Page Options

Bilin sa pakikidigma at sa pagbabahagi ng Canaan.

34 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa (A)lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),

(B)At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng (C)Dagat na Alat sa dakong silanganan:

At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa (D)sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng (E)Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa (F)Hasar-addar, at patuloy sa Asmon:

At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon (G)hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat.

At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.

At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng (H)Hor:

Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang (I)pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa (J)Sedad;

At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang (K)Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan.

10 At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham:

11 At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa (L)Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng (M)Cinnereth sa dakong silanganan:

12 At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa (N)Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot.

13 At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, (O)Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;

14 (P)Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana:

15 Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw.

16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

17 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si (Q)Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun.

18 (R)At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana.

19 At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone.

20 At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud.

21 Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon.

22 At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli.

23 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod:

24 At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan.

25 At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach.

26 At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan.

27 At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi.

28 At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud.

29 Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.

Ang mga Hangganan ng Canaan

34 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na kung papasok na sila sa Canaan, ito ang mga hangganan ng lupain na kanilang mamanahin:

“Ang hangganan sa timog ay ang ilang ng Zin sa may hangganan ng Edom. Magsisimula ito sa katimugang bahagi ng Dagat na Patay.[a] At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kadesh Barnea. Pagkatapos, didiretso ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon, at liliko papunta sa Lambak ng Egipto at magtatapos sa Dagat ng Mediteraneo.

“Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo.

“Ang hangganan sa hilaga ay magmumula sa Dagat ng Mediteraneo papunta sa Bundok ng Hor, at mula sa Bundok ng Hor papunta sa Lebo Hamat. Magpapatuloy ito sa Zedad, hanggang sa Zifron at magtatapos sa Hazar Enan.

10 “Ang hangganan sa silangan ay magmumula sa Hazar Enan papunta sa Shefam. 11 Pagkatapos, bababa ito papunta sa Ribla, sa bandang silangan ng Ain, at magpapatuloy ito sa mga burol sa silangan ng Lawa ng Galilea.[b] 12 Pagkatapos, bababa ito sa Jordan at magtatapos sa Dagat na Patay.

“Ito ang inyong lupain, at ang mga hangganan nito sa palibot.”

13 Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Hatiin ninyo ang mga lupaing ito bilang inyong mana sa pamamagitan ng palabunutan. Sinabi ng Panginoon na ibigay ito sa siyam at kalahating lahi, 14-15 Dahil ang lahi nina Reuben, Gad, at ng kalahating lahi ni Manase ay nakatanggap na ng kanilang mana sa bandang silangan ng Jordan malapit sa Jerico.”

16 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 17 “Sina Eleazar na pari at Josue na anak ni Nun ang maghahati-hati ng lupain para sa mga tao. 18 At pumili ka ng isang pinuno sa bawat lahi para tulungan sila sa paghahati ng lupain.” 19-28 Ito ang pangalan ng mga pinili:

Lahi Pinuno
JudaCaleb na anak ni Jefune
SimeonShemuel na anak ni Amihud
BenjaminElidad na anak ni Kislon
DanBuki na anak ni Jogli
Manase na anak ni JoseHaniel na anak ni Efod
Efraim na anak ni JoseKemuel na anak ni Siftan
ZebulunElizafan na anak ni Parnac
IsacarPaltiel na anak ni Azan
AsherAhihud na anak ni Shelomi
NaftaliPedahel na anak ni Amihud

29 Sila ang mga pinili ng Panginoon para tumulong sa paghahati-hati ng lupain ng Canaan bilang mana ng mga Israelita.

Footnotes

  1. 34:3 Dagat na Patay: sa literal, napakaalat na dagat. Ganito rin sa talatang 12.
  2. 34:11 Lawa ng Galilea: sa Hebreo, Lawa ng Kineret.