Mga Bilang 30:2-4
Ang Biblia (1978)
2 (A)Pagka ang isang lalake ay nagpanata ng isang panata sa Panginoon, o (B)sumumpa ng isang sumpa, na itinali ang kaniyang kaluluwa sa isang gampanin, ay huwag niyang sisirain ang kaniyang salita, kaniyang (C)gaganapin ayon sa lahat ng binuka ng kaniyang bibig.
3 Pagka ang isang babae naman ay nagpanata ng isang panata sa Panginoon, at itinali ang kaniyang sarili sa isang gampanin, sa bahay ng kaniyang ama, sa kaniyang kadalagahan;
4 At narinig ng kaniyang ama ang kaniyang panata, at ang kaniyang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa, at ang kaniyang ama ay hindi umimik sa kaniya: ay lahat nga niyang panata ay magkakabisa, at ang bawa't tali na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978