Add parallel Print Page Options

Mga Handog sa Araw ng Pagtubos(A)

At(B) sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon at inyong pahihirapan ang inyong mga kaluluwa, at huwag kayong gagawa ng anumang gawa,

kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na sinusunog na mabangong samyo; isang batang toro, isang tupang lalaki, pitong korderong lalaki na isang taong gulang, mga walang kapintasan para sa inyo.

Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasampung bahagi para sa toro, dalawang ikasampung bahagi para sa isang lalaking tupa,

Read full chapter