Add parallel Print Page Options

11 isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan, bukod pa sa handog pangkasalanan na pantubos at sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil, at sa mga inuming handog ng mga iyon.

Mga Handog sa Pista ng mga Kubol(A)

12 Sa(B) ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain at mangingilin kayo sa loob ng pitong araw para sa Panginoon.

13 Maghahandog kayo ng isang handog na sinusunog, handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo para sa Panginoon: labintatlong batang toro, dalawang tupang lalaki, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang, na mga walang kapintasan.

Read full chapter