Add parallel Print Page Options

14 Ang inuming handog naman ay dalawang litro para sa bawat toro, 1 1/3 litro sa bawat lalaking tupa at isang litro naman sa bawat batang tupa. Ito ang buwanan ninyong handog. 15 Bukod sa pang-araw-araw na handog na susunugin at handog na pagkain, maghahandog pa rin kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan.

Ang Handog Tuwing Kapistahan(A)

16 “Ang(B) ika-14 na araw ng unang buwan ay Pista ng Paskwa ni Yahweh.

Read full chapter