Font Size
Mga Bilang 25:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 25:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Samantalang si Moises at ang buong bayan ay nananangis sa harap ng Toldang Tipanan, dumating ang isang Israelita. May kasama itong Midianita, at hayagang ipinasok sa kanyang tolda. 7 Nang makita ito ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ni Aaron, umuwi siya at kumuha ng sibat. 8 Sinundan niya sa tolda ang Israelitang may kasamang Midianita at tinuhog silang dalawa ng sibat. Dahil dito, tumigil ang salot na sumasalanta sa Israel.
Read full chapter