Font Size
Mga Bilang 25:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 25:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Sumali sa pagsamba kay Baal-peor ang mga Israelita kaya nagalit sa kanila si Yahweh. 4 Sinabi niya kay Moises, “Tipunin mo ang mga pinuno ng Israel at patayin mo sila sa harap ng madla para mapawi ang galit ko sa Israel.” 5 Iniutos ni Moises sa mga hukom ng Israel, “Patayin ninyo ang lahat ng kasamahan ninyong sumamba kay Baal-peor.”
Read full chapter