Add parallel Print Page Options

Inilabas siya ng Diyos sa bansang Egipto;
ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro.
Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin;
sa tulis ng kanyang pana, lahat sila'y tutuhugin.
Siya'y(A) parang leon sa kanyang higaan,
walang mangahas gumambala sa kanyang pagkahimlay.
Pagpalain nawa ang sa iyo ay nagpapala;
susumpain ang lahat ng sa iyo ay susumpa.”

Ang Pahayag ni Balaam

10 Galit na galit si Balac kay Balaam. Nanggigil siya sa galit at kanyang sinabi, “Ipinatawag kita upang sumpain ang aking mga kaaway. Ngunit anong ginawa mo? Tatlong beses mo pa silang binasbasan!

Read full chapter