Add parallel Print Page Options

(A)Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto;
May lakas na gaya ng mabangis na toro:
Kaniyang (B)lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway,
At kaniyang (C)pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto,
At (D)palalagpasan sila ng kaniyang mga pana.
(E)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon,
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
(F)Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo,
At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo.

Ang ikaapat na hula ni Balaam.

10 At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita (G)upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo.

Read full chapter