Font Size
Mga Bilang 24:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 24:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 at nakita niya ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu[a] ng Diyos 3 at siya'y nagsalita,
“Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor,
ang pahayag ng taong may malinaw na paningin.[b]
4 Ang pahayag ng nakikinig sa mga salita ng Diyos,
at nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan.
Kahit nabulagta sa lupa ngunit nanatiling malinaw ang paningin.