Add parallel Print Page Options

14 “Oo, uuwi ako. Ngunit sasabihin ko muna sa iyo kung ano ang gagawin sa inyo ng bayang ito balang araw.”

15 Muli siyang nagsalita,

“Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor,
ang mensahe ng taong may malinaw na paningin.[a]
16 Ang pahayag ng isang taong nakikinig sa salita ng Diyos,
ng nakakaalam ng kalooban ng Kataas-taasang Diyos,
ng nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan.
Kahit nabuwal sa lupa'y malinaw pa rin ang aking paningin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Bilang 24:15 malinaw na paningin: Sa ibang manuskrito'y malabong paningin .