Add parallel Print Page Options

At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma.

(A)At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula (B)upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.

(C)At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: (D)Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.

Read full chapter