Add parallel Print Page Options

Ang Kampo at ang Pinuno ng Bawat Lipi

Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron: Ang mga Israelita'y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat angkan ay sama-sama sa ilalim ng kanilang watawat.

3-8 Sa gawing silangan magkakampo ang pangkat ng mga lipi ni Juda, Isacar, at Zebulun:

LipiPinunoBilang
JudaNaason na anak ni Aminadab74,600
IsacarNathanael na anak ni Zuar54,400
ZebulunEliab na anak ni Helon57,400

Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.

10-15 Sa gawing timog naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Ruben, Simeon, at Gad:

LipiPinunoBilang
RubenElizur na anak ni Sedeur46,500
SimeonSelumiel na anak ni Zurisadai59,300
GadEliasaf na anak ni Deuel45,650

16 Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 151,450. Ang pangkat na ito ang susunod sa pangkat na pangungunahan ng lipi ni Juda.

17 Maging sa paglilipat ng Toldang Tipanan, ang pangkat ng mga Levita ay mananatili sa gitna ng ibang mga pangkat. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, mananatili ang bawat pangkat sa dating ayos sa ilalim ng kani-kanilang watawat.

18-23 Sa gawing kanluran naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Efraim, Manases, at Benjamin:

LipiPinunoBilang
EfraimElisama na anak ni Amiud40,500
ManasesGamaliel na anak ni Pedazur32,200
BenjaminAbidan na anak ni Gideoni35,400

24 Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 108,100. Sila ang pangatlo sa hanay.

25-30 At sa gawing hilaga naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Dan, Asher, at Neftali:

LipiPinunoBilang
DanAhiezer na anak ni Amisadai62,700
AsherPagiel na anak ni Ocran41,500
NeftaliAhira na anak ni Enan53,400

31 Ang pangkat na ito ay umaabot sa 157,600. Sila ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga kawal. 32 Iyon ang bilang ng mga Israelita ayon sa kani-kanilang lipi. Lahat-lahat ay umabot sa 603,550. 33 Hindi kabilang dito ang mga Levita tulad ng ipinagbilin ni Yahweh kay Moises na huwag isasama sa sensus ang mga ito.

34 Ang lahat ay ginawa ng mga Israelita ayon sa utos ni Yahweh. Nagtayo sila ng tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat, at pangkat-pangkat na nagpatuloy sa paglalakbay.

Ang Bilang, mga Kampo, at mga Pinuno ng Bawat Anak ni Israel

Nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

“Ang mga anak ni Israel ay magkakampo, bawat lalaki sa tabi ng kanyang sariling watawat, na may sagisag ng mga sambahayan ng kanyang mga ninuno; magkakampo sila na nakaharap sa toldang tipanan sa palibot nito.

Ang magkakampo sa silangan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang kabilang sa watawat ng kampo ng Juda, ayon sa kanilang mga pangkat. Ang magiging pinuno sa mga anak ni Juda ay si Naashon na anak ni Aminadab.

Ang kanyang pangkat ayon sa nabilang sa kanila ay pitumpu't apat na libo at animnaraan.

Ang magkakampo sa tabi niya ay ang lipi ni Isacar; at ang magiging pinuno sa mga anak ni Isacar ay si Natanael na anak ni Suar.

Ang kanyang pangkat ayon sa nabilang doon ay limampu't apat na libo at apatnaraan.

Sa lipi ni Zebulon ang magiging pinuno sa mga anak ni Zebulon ay si Eliab na anak ni Helon,

at ang kanyang pangkat ayon sa nabilang doon ay limampu't pitong libo at apatnaraan.

Lahat ng nabilang sa kampo ng Juda ay isandaan at walumpu't anim na libo at apatnaraan, ayon sa kanilang mga pangkat. Sila ang unang susulong.

10 “Sa dakong timog ay ang watawat ng kampo ng Ruben, ayon sa kanilang mga pangkat, at ang magiging pinuno ng mga anak ni Ruben ay si Elisur na anak ni Sedeur.

11 Ang kanyang pangkat ayon sa bilang ay apatnapu't anim na libo at limang daan.

12 Ang magkakampo sa tabi niya ay ang lipi ni Simeon at ang magiging pinuno sa mga anak ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurishadai.

13 Ang kanyang pangkat at ang nabilang sa kanila ay limampu't siyam na libo at tatlong daan.

14 Kasunod ang lipi ni Gad at ang magiging pinuno sa mga anak ni Gad ay si Eliasaf na anak ni Reuel:[a]

15 Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't limang libo animnaraan at limampu.

16 Lahat ng nabilang sa kampo ni Ruben ay isandaan at limampu't isang libo apatnaraan at limampu, ayon sa kanilang mga pangkat. Sila ang pangalawang susulong.

17 “Kung magkagayon, ang toldang tipanan ay susulong na kasama ng pangkat ng mga Levita sa gitna ng mga kampo, ayon sa kanilang pagkakampo ay gayon sila susulong, na bawat lalaki ay sa kanya-kanyang lugar ayon sa kanilang mga watawat.

18 “Sa dakong kanluran ay ang watawat ng kampo ng Efraim, ayon sa kanilang mga pangkat, at ang magiging pinuno sa mga anak ni Efraim ay si Elisama na anak ni Amihud.

19 Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay apatnapung libo at limang daan.

20 Katabi niya ang lipi ni Manases at ang magiging pinuno sa mga anak ni Manases ay si Gamaliel na anak ni Pedasur.

21 Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay tatlumpu't dalawang libo at dalawandaan.

22 Ang lipi ni Benjamin at ang magiging pinuno sa mga anak ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni.

23 Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay tatlumpu't limang libo at apatnaraan.

24 Ang lahat na nabilang sa kampo ng Efraim ay isandaan walong libo at isandaan, ayon sa kanilang mga pangkat. At sila ang pangatlong susulong.

25 “Sa dakong hilaga ay ilalagay ang watawat ng kampo ng Dan, ayon sa kanilang mga pangkat at ang magiging pinuno sa mga anak ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amisadai.

26 Ang kanilang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay animnapu't dalawang libo at pitong daan.

27 Ang magkakampo na katabi niya ay ang lipi ni Aser; ang magiging pinuno sa mga anak ni Aser ay si Fegiel na anak ni Ocran.

28 Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't isang libo at limang daan.

29 Kasunod ang lipi ni Neftali at ang magiging pinuno sa mga anak ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.

30 Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay limampu't tatlong libo at apatnaraan.

31 Ang lahat na nabilang sa kampo ng Dan, ay isandaan at limampu't pitong libo at animnaraan. Sila ang huling susulong, ayon sa kanilang mga watawat.”

32 Ito ang nabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno: ang lahat na nabilang sa mga kampo, ayon sa kanilang mga pangkat ay animnaraan at tatlong libo limang daan at limampu.

33 Subalit ang mga Levita ay hindi binilang na kasama ng mga anak ni Israel gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

34 Gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay gayon sila nagkampo sa tabi ng kanilang mga watawat, at gayon sila sumulong, na bawat isa'y ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno.

Footnotes

  1. Mga Bilang 2:14 tinatawag na Deuel.
Book name not found: Mga Bilang for the version: 1894 Scrivener New Testament.

Stammarnas olika lägerplatser

Herren talade till Mose och Aron. Han sade: "Israels barn skall slå läger, var och en under sitt baner, vid de fälttecken som hör till deras särskilda familjer. Runt omkring uppenbarelsetältet skall de slå läger, på något avstånd från det. På framsidan, österut, skall Juda slå läger under sitt baner efter sina häravdelningar. Ledare för Juda barn skall vara Nahson, Amminadabs son, med de inmönstrade som utgör hans här, 74 600 man. Bredvid honom skall Isaskars stam slå läger. Ledare för Isaskars barn skall vara Netanel, Suars son, med de inmönstrade som utgör hans här, 54 400 man. Därnäst Sebulons stam, och ledare för Sebulons barn skall vara Eliab, Helons son, med de inmönstrade som utgör hans här, 57 400 man. Alla de inmönstrade som tillhör Juda läger utgör 186 400 man, delade i sina häravdelningar. De skall bryta upp först.

10 Ruben skall slå läger under sitt baner söderut efter sina häravdelningar. Ledare för Rubens barn skall vara Elisur, Sedeurs son, 11 med de inmönstrade som utgör hans här, 46 500 man. 12 Bredvid honom skall Simeons stam slå läger, och ledare för Simeons barn skall vara Selumiel, Surisaddajs son, 13 med de inmönstrade som utgör hans här, 59 300 man. 14 Därnäst Gads stam, och ledare för Gads barn skall vara Eljasaf, Reguels[a] son, 15 med de inmönstrade som utgör hans här, 45 650 man. 16 Alla de inmönstrade som tillhör Rubens läger utgör 151 450 man, delade i sina häravdelningar. De skall bryta upp som nummer två.

17 Sedan skall uppenbarelsetältet gå med leviternas läger i mitten av lägren. I den ordning de slår läger skall de också gå, var och en på sin plats, under sina baner.

18 Efraim skall slå läger under sitt baner västerut, efter sina häravdelningar. Ledare för Efraims barn skall vara Elisama, Ammihuds son, 19 med de inmönstrade som utgör hans här, 40 500 man. 20 Bredvid honom skall Manasse stam slå läger, och ledare för Manasse barn skall vara Gamliel, Pedasurs son, 21 med de inmönstrade som utgör hans här, 32 200 man. 22 Därnäst Benjamins stam, och ledare för Benjamins barn skall vara Abidan, Gideonis son, 23 med de inmönstrade som utgör hans här, 35 400 man. 24 Alla de inmönstrade som tillhör Efraims läger utgör 108 100 man, delade i sina häravdelningar. De skall bryta upp som nummer tre.

25 Dan skall slå läger under sitt baner norrut, efter sina häravdelningar. Ledare för Dans barn skall vara Ahieser, Ammisaddajs son, 26 med de inmönstrade som utgör hans här, 62 700 man. 27 Bredvid honom skall Asers stam slå läger, och ledare för Asers barn skall vara Pagiel, Okrans son, 28 med de inmönstrade som utgör hans här, 41 500 man. 29 Därnäst Naftali stam, och ledare för Naftalis barn skall vara Ahira, Enans son, 30 med de inmönstrade som utgör hans här, 53 400 man. 31 Alla de inmönstrade som tillhör Dans läger utgör 157 600 man. De skall bryta upp sist, under sitt baner." 32 Dessa var de av Israels barn som inmönstrades efter sina familjer. Alla som efter sina häravdelningar inmönstrades i lägren utgjorde 603 550 man. 33 Men leviterna inmönstrades inte med de andra israeliterna, ty så hade Herren befallt Mose.

34 Israels barn gjorde i allt så som Herren hade befallt Mose. De slog läger under sina baner, och de bröt upp var och en i sin släkt, efter sin familj.

Footnotes

  1. 4 Mosebok 2:14 Reguel Andra handskrifter: "Deguel".