Font Size
Mga Bilang 19:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 19:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Abo ng Pulang Baka
19 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 2 “Sabihin ninyo sa mga Israelita na pumili ng isang mapula-pulang dumalagang baka na walang kapintasan at hindi pa napagtatrabaho kahit kailan. Ito'y dadalhin nila sa inyo, 3 at ibibigay naman ninyo kay Eleazar upang patayin sa labas ng kampo habang siya'y nakatingin.
Read full chapter