Add parallel Print Page Options

Ang ikasangpung bahagi ay ipinamana sa mga Levita.

21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking (A)ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti (B)sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.

22 (C)At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, (D)baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.

23 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang (E)tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.

Read full chapter