Add parallel Print Page Options

19 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: (A)tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.

20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: (B)ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.

Ang ikasangpung bahagi ay ipinamana sa mga Levita.

21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking (C)ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti (D)sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.

Read full chapter