Add parallel Print Page Options

13 Munting bagay pa ba na kami ay iyong pinasampa sa isang lupain na (A)binubukalan ng gatas at pulot, upang kami ay patayin sa ilang, kundi (B)napapanginoon ka pa mandin sa amin?

14 Bukod dito'y hindi mo kami dinala sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, ni binigyan mo kami ng manang bukid at mga ubasan: dudukitin mo ba ang mga mata ng mga taong ito? hindi kami sasampa.

15 At si Moises ay naginit na mainam, at sinabi sa Panginoon, (C)Huwag mong pagpitaganan ang kanilang handog: (D)ako'y hindi kumuha ng isang asno sa kanila ni gumawa ng masama sa kanino man sa kanila.

Read full chapter