Add parallel Print Page Options

Tumutol ang Buong Kapulungan

14 Kaya't ang buong kapulungan ay sumigaw nang malakas; at ang taong-bayan ay umiyak nang gabing iyon.

At nagreklamo ang lahat ng mga anak ni Israel laban kina Moises at Aaron. Sinabi sa kanila ng buong sambayanan, “Namatay na sana tayo sa lupain ng Ehipto! O kaya'y namatay na sana tayo sa ilang na ito!

Bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y bumagsak sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na tayo'y magbalik sa Ehipto?”

Kaya't sinabi nila sa isa't isa, “Maglagay tayo ng isang pinuno at tayo'y magbalik sa Ehipto.”

Nang magkagayon, sina Moises at Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan ng bayan ng mga anak ni Israel.

Si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jefone, na mga kasama ng mga nagsiyasat nang lihim sa lupain, ay pinunit ang kanilang mga damit.

At sinabi nila sa buong kapulungan ng mga anak ni Israel, “Ang lupain na aming pinuntahan upang lihim na siyasatin ay isang napakagandang lupain.

Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing iyon, at ibibigay niya sa atin; isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot.

Huwag(A) lamang kayong maghimagsik laban sa Panginoon ni matakot sa mga tao ng lupaing iyon, sapagkat sila'y para lamang tinapay sa atin; ang kanyang kalinga ay inalis sa kanila, at ang Panginoon ay kasama natin; huwag kayong matakot sa kanila.”

10 Subalit pinagbantaan sila ng buong sambayanan na babatuhin sila ng mga bato. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa toldang tipanan sa lahat ng mga anak ni Israel.

Ang Babala ng Panginoon at ang Pagsamo ni Moises

11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan ako hahamakin ng bayang ito? At hanggang kailan sila hindi maniniwala sa akin, sa kabila ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?

12 Hahampasin ko sila ng salot, at tatanggalan ko sila ng mana at gagawin kitang isang bansang mas malaki at mas matibay kaysa kanila.”

13 Ngunit(B) sinabi ni Moises sa Panginoon, “Kung gayo'y mababalitaan ito ng mga taga-Ehipto, sapagkat dinala mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan mula sa kanila;

14 at kanilang sasabihin sa mga naninirahan sa lupaing ito. Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon ay nasa gitna ng bayang ito, sapagkat ikaw Panginoon ay nagpakita nang mukhaan, at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga iyon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi.

15 Kung papatayin mo ang bayang ito na parang isang tao, magsasalita nga ang mga bansang nakarinig ng iyong katanyagan at kanilang sasabihin,

16 ‘Sapagkat hindi kayang dalhin ng Panginoon ang bayang ito sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay sa kanila, kaya't kanyang pinaslang sila sa ilang.’

17 At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, hayaan mong ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong ipinangako,

18 ‘Ang(C) Panginoon ay mabagal sa pagkagalit at sagana sa tapat na pag-ibig, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsuway, ngunit kailanman ay hindi pinapawalang-sala ang may sala, na dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salinlahi.

19 Hinihiling ko sa iyo, patawarin mo ang kasamaan ng bayang ito ayon sa kadakilaan ng iyong tapat na pag-ibig, at ayon sa iyong pagpapatawad sa bayang ito, mula sa Ehipto hanggang ngayon.”

20 At sinabi ng Panginoon, “Ako'y nagpatawad ayon sa iyong salita;

21 gayunman,(D) na kung paanong ako'y buháy at kung paanong mapupuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa,

22 wala sa mga taong iyon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda na aking ginawa sa Ehipto at sa ilang, ngunit tinukso pa rin ako nitong makasampung ulit, at hindi dininig ang aking tinig,

23 ang makakakita sa lupain na aking ipinangako sa kanilang mga ninuno, at walang sinuman sa kanila na humamak sa akin ang makakakita nito.

24 Ngunit(E) ang aking lingkod na si Caleb, sapagkat siya'y nagtaglay ng ibang espiritu at sumunod nang lubos sa akin, ay dadalhin ko sa lupain na kanyang pinaroonan; at aariin ng kanyang mga binhi.

25 Ngayon, sapagkat ang mga Amalekita at ang mga Cananeo ay naninirahan sa libis, bumalik kayo bukas at kayo'y maglakbay sa daang patungo sa Dagat na Pula.”

Ang Parusa sa Israel

26 At nagsalita ang Panginoon kina Moises at Aaron, na sinasabi,

27 “Hanggang kailan magrereklamo laban sa akin ang masamang kapulungang ito? Aking narinig ang mga reklamo ng mga anak ni Israel na kanilang sinasabi laban sa akin.

28 Sabihin mo sa kanila, ‘Ako'y buháy, sabi ng Panginoon, kung ano ang sinabi ninyo sa aking pandinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo.

29 Ang(F) inyong mga bangkay ay mabubuwal sa ilang na ito; at ang lahat na nabilang sa inyo ayon sa inyong kabuuang bilang, mula sa dalawampung taong gulang pataas na nagreklamo laban sa akin,

30 ay hindi papasok sa lupaing aking ipinangako na patitirahan ko sa inyo, maliban kay Caleb na anak ni Jefone at kay Josue na anak ni Nun.

31 Ngunit ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga biktima ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na inyong itinakuwil.

32 Ngunit tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mabubuwal sa ilang na ito.

33 At(G) ang inyong mga anak ay magiging palaboy sa ilang na apatnapung taon, at magdurusa dahil sa kawalan ninyo ng pananampalataya, hanggang sa ang huli sa inyong mga bangkay ay humandusay sa ilang.

34 Ayon sa bilang ng mga araw na inyong lihim na ipinagsiyasat sa lupain, samakatuwid ay apatnapung araw, sa bawat araw ay isang taon, inyong pananagutan ang inyong mga kasamaan, nang apatnapung taon, at inyong makikilala ang aking sama ng loob!

35 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapulungang ito, na nagtitipon laban sa akin. Sa ilang na ito, sila'y magwawakas, at dito sila mamamatay.’”

36 Ang mga lalaki na sinugo ni Moises upang lihim na magsiyasat sa lupain, na bumalik at naging dahilan upang magreklamo ang buong kapulungan laban sa kanya dahil sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain,

37 samakatuwid ay ang mga taong naghatid ng masamang balita tungkol sa lupain ay namatay sa salot sa harap ng Panginoon.

38 Ngunit si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jefone ay naiwang buháy sa mga taong iyon na pumaroon upang lihim na siyasatin ang lupain.

Hinabol Hanggang sa Horma(H)

39 At sinabi ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel at ang bayan ay lubhang nanangis.

40 Kinaumagahan, sila'y maagang bumangon at umakyat sa taluktok ng bundok, na sinasabi, “Narito kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon, sapagkat kami ay nagkasala.”

41 Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinusuway ninyo ngayon ang utos ng Panginoon? Iyan ay hindi magtatagumpay.

42 Huwag kayong umahon, baka kayo'y masaktan sa harap ng mga kaaway, sapagkat ang Panginoon ay hindi ninyo kasama.

43 Sapagkat naroon ang mga Amalekita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y babagsak sa tabak, sapagkat kayo'y tumalikod sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay hindi ninyo makakasama.”

44 Ngunit sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok; gayunman ang kaban ng tipan ng Panginoon at si Moises ay hindi lumabas sa kampo.

45 Nang magkagayon ang mga Amalekita at ang mga Cananeo na naninirahan sa bundok na iyon ay bumaba, nilupig sila at hinabol hanggang sa Horma.

The People Rebel

14 That night all the members of the community raised their voices and wept aloud.(A) All the Israelites grumbled(B) against Moses and Aaron, and the whole assembly said to them, “If only we had died in Egypt!(C) Or in this wilderness!(D) Why is the Lord bringing us to this land only to let us fall by the sword?(E) Our wives and children(F) will be taken as plunder.(G) Wouldn’t it be better for us to go back to Egypt?(H) And they said to each other, “We should choose a leader and go back to Egypt.(I)

Then Moses and Aaron fell facedown(J) in front of the whole Israelite assembly(K) gathered there. Joshua son of Nun(L) and Caleb son of Jephunneh, who were among those who had explored the land, tore their clothes(M) and said to the entire Israelite assembly, “The land we passed through and explored is exceedingly good.(N) If the Lord is pleased with us,(O) he will lead us into that land, a land flowing with milk and honey,(P) and will give it to us.(Q) Only do not rebel(R) against the Lord. And do not be afraid(S) of the people of the land,(T) because we will devour them. Their protection is gone, but the Lord is with(U) us.(V) Do not be afraid of them.”(W)

10 But the whole assembly talked about stoning(X) them. Then the glory of the Lord(Y) appeared at the tent of meeting to all the Israelites. 11 The Lord said to Moses, “How long will these people treat me with contempt?(Z) How long will they refuse to believe in me,(AA) in spite of all the signs(AB) I have performed among them? 12 I will strike them down with a plague(AC) and destroy them, but I will make you into a nation(AD) greater and stronger than they.”(AE)

13 Moses said to the Lord, “Then the Egyptians will hear about it! By your power you brought these people up from among them.(AF) 14 And they will tell the inhabitants of this land about it. They have already heard(AG) that you, Lord, are with these people(AH) and that you, Lord, have been seen face to face,(AI) that your cloud stays over them,(AJ) and that you go before them in a pillar of cloud by day and a pillar of fire by night.(AK) 15 If you put all these people to death, leaving none alive, the nations who have heard this report about you will say, 16 ‘The Lord was not able to bring these people into the land he promised them on oath,(AL) so he slaughtered them in the wilderness.’(AM)

17 “Now may the Lord’s strength be displayed, just as you have declared: 18 ‘The Lord is slow to anger, abounding in love and forgiving sin and rebellion.(AN) Yet he does not leave the guilty unpunished; he punishes the children for the sin of the parents to the third and fourth generation.’(AO) 19 In accordance with your great love, forgive(AP) the sin of these people,(AQ) just as you have pardoned them from the time they left Egypt until now.”(AR)

20 The Lord replied, “I have forgiven them,(AS) as you asked. 21 Nevertheless, as surely as I live(AT) and as surely as the glory of the Lord(AU) fills the whole earth,(AV) 22 not one of those who saw my glory and the signs(AW) I performed in Egypt and in the wilderness but who disobeyed me and tested me ten times(AX) 23 not one of them will ever see the land I promised on oath(AY) to their ancestors. No one who has treated me with contempt(AZ) will ever see it.(BA) 24 But because my servant Caleb(BB) has a different spirit and follows me wholeheartedly,(BC) I will bring him into the land he went to, and his descendants will inherit it.(BD) 25 Since the Amalekites(BE) and the Canaanites(BF) are living in the valleys, turn(BG) back tomorrow and set out toward the desert along the route to the Red Sea.[a](BH)

26 The Lord said to Moses and Aaron: 27 “How long will this wicked community grumble against me? I have heard the complaints of these grumbling Israelites.(BI) 28 So tell them, ‘As surely as I live,(BJ) declares the Lord, I will do to you(BK) the very thing I heard you say: 29 In this wilderness your bodies will fall(BL)—every one of you twenty years old or more(BM) who was counted in the census(BN) and who has grumbled against me. 30 Not one of you will enter the land(BO) I swore with uplifted hand(BP) to make your home, except Caleb son of Jephunneh(BQ) and Joshua son of Nun.(BR) 31 As for your children that you said would be taken as plunder, I will bring them in to enjoy the land you have rejected.(BS) 32 But as for you, your bodies will fall(BT) in this wilderness. 33 Your children will be shepherds here for forty years,(BU) suffering for your unfaithfulness, until the last of your bodies lies in the wilderness. 34 For forty years(BV)—one year for each of the forty days you explored the land(BW)—you will suffer for your sins and know what it is like to have me against you.’ 35 I, the Lord, have spoken, and I will surely do these things(BX) to this whole wicked community, which has banded together against me. They will meet their end in this wilderness; here they will die.(BY)

36 So the men Moses had sent(BZ) to explore the land, who returned and made the whole community grumble(CA) against him by spreading a bad report(CB) about it— 37 these men who were responsible for spreading the bad report(CC) about the land were struck down and died of a plague(CD) before the Lord. 38 Of the men who went to explore the land,(CE) only Joshua son of Nun and Caleb son of Jephunneh survived.(CF)

39 When Moses reported this(CG) to all the Israelites, they mourned(CH) bitterly. 40 Early the next morning they set out for the highest point in the hill country,(CI) saying, “Now we are ready to go up to the land the Lord promised. Surely we have sinned!(CJ)

41 But Moses said, “Why are you disobeying the Lord’s command? This will not succeed!(CK) 42 Do not go up, because the Lord is not with you. You will be defeated by your enemies,(CL) 43 for the Amalekites(CM) and the Canaanites(CN) will face you there. Because you have turned away from the Lord, he will not be with you(CO) and you will fall by the sword.”

44 Nevertheless, in their presumption they went up(CP) toward the highest point in the hill country, though neither Moses nor the ark of the Lord’s covenant moved from the camp.(CQ) 45 Then the Amalekites and the Canaanites(CR) who lived in that hill country(CS) came down and attacked them and beat them down all the way to Hormah.(CT)

Footnotes

  1. Numbers 14:25 Or the Sea of Reeds