Add parallel Print Page Options

Kung (A)kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y (B)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, (C)ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, (D)sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay (E)sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila.

10 (F)Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. (G)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.

Read full chapter