Add parallel Print Page Options

21 Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buháy at kung paanong mapupuspos ng (A)kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa:

22 (B)Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong (C)makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig;

23 (D)Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita:

Read full chapter

28 Sabihin mo sa kanila, (A)Ako'y buháy, sabi ng Panginoon, tunay na (B)kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo:

29 Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong (C)lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin,

Read full chapter