Font Size
Mga Bilang 14:20-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 14:20-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Sinabi ni Yahweh, “Dahil sa panalangin mo, pinapatawad ko na sila. 21 Ngunit(A) ito ang tandaan mo: hanggang ako'y buháy at nalulukuban ng aking kaluwalhatian ang buong mundo, 22-23 isa man sa mga nakakita ng himalang ginawa ko ay hindi makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Paulit-ulit nila akong sinusubok at hindi nila ako sinusunod.
Read full chapter