Mga Bilang 13:28
Ang Biblia (1978)
28 Gayon man (A)ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas, at ang mga bayan ay nakukutaan, at napakalalaki: at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon.
Read full chapter
Mga Bilang 13:33
Ang Biblia (1978)
33 (A)At doo'y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, na mula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging (B)parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin.
Read full chapter
Deuteronomio 9:1-2
Ang Biblia (1978)
Inulit ni Moises ang kasaysayan ng dalawang tapyas na bato at ang guyang ginto.
9 Dinggin mo, Oh Israel, ikaw (A)ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang (B)mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid,
2 Isang bayang malaki at mataas ng mga (C)anak ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978