Add parallel Print Page Options

Pitongpung lalake sa mga matatanda ang kinatulong ni Moises.

16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo sa akin ang (A)pitong pung lalake sa mga matanda sa Israel, sa iyong mga nalalaman na mga matanda sa bayan at mga (B)nangungulo sa kanila; at dalhin mo sa tabernakulo ng kapisanan, upang sila'y makatayo roon na kasama mo.

17 At (C)ako'y bababa at makikipag-usap sa iyo doon; at ako'y kukuha sa Espiritung sumasaiyo (D)at aking isasalin sa kanila; at kanilang dadalhin ang (E)pasan ng bayan na kasama mo, upang huwag mong dalhing magisa.

18 At sabihin mo (F)sa bayan, Magpakabanal kayo, para sa kinabukasan, at kayo'y magsisikain ng karne: sapagka't kayo'y nagsisiiyak sa pakinig ng Panginoon, na sinasabi, Sinong magbibigay sa amin ng karne na aming makakain? sapagka't maigi kahit nang nasa Egipto: dahil dito bibigyan kayo ng Panginoon ng karne at kakain kayo.

Read full chapter