Font Size
Mga Bilang 11:1-3
Magandang Balita Biblia
Mga Bilang 11:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang Lugar na Tinawag na Tabera
11 Dahil sa hirap na dinaranas, nagreklamo ang mga Israelita. Dahil dito, nagalit si Yahweh at pinaulanan ng apoy ang isang bahagi ng kanilang kampo. 2 Kaya, nagmakaawa kay Moises ang mga Israelita at agad naman siyang dumulog kay Yahweh. Dininig naman siya at namatay ang apoy. 3 At ang lugar na iyo'y tinawag nilang Tabera[a] sapagkat nagliyab doon ang apoy mula kay Yahweh.
Read full chapterFootnotes
- Mga Bilang 11:3 TABERA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Tabera” at “nagliliyab” ay magkasintunog.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.