Add parallel Print Page Options

33 At sila'y nagsisulong (A)mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay; at (B)ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay, upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan.

34 At (C)ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila sa araw, pagka sila'y sumulong mula sa kampamento.

Ang pagalis.

35 At nangyari pagka ang kaban ay isinulong na sinabi ni Moises, (D)Bumangon ka, Oh Panginoon, at mangalat ang mga kaaway mo, at magsitakas sa harap mo ang nangapopoot sa iyo.

Read full chapter