Font Size
Mga Awit 96:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 96:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 O(A) si Yahweh ay purihin ng lahat sa daigdigan!
Purihin ang lakas niya at kanyang kaluwalhatian!
8 Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal,
dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay.
9 Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan,
humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.