Mga Awit 89:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay;
Iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
Isaias 19:22-25
Ang Biblia (1978)
22 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.
23 Sa araw na yaon ay (A)magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.
24 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:
25 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, (B)at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na (C)aking mana.
Read full chapter
Isaias 51:9
Ang Biblia (1978)
Ang tagapagligtas mula sa Egipto ay tinawagan upang tumulong.
9 (A)Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan, Oh (B)bisig ng Panginoon; gumising ka na (C)gaya nang kaarawan noong una, nang mga lahi ng mga dating panahon. Hindi baga ikaw ang pumutol ng (D)Rahab, na sumaksak (E)sa buwaya?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978