Font Size
Mga Awit 81:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 81:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 “Mabigat mong dala'y aking inaalis,
ikaw ay iibsan sa pasan mong labis.
7 Iniligtas(A) kita sa gitna ng hirap, sinaklolohan ka nang ika'y tumawag;
tinugon din kita sa gitna ng kidlat,
at sinubok kita sa Batis Meriba. (Selah)[a]
8 Kapag nangungusap, ako'y inyong dinggin,
sana'y makinig ka, O bansang Israel.
Footnotes
- 7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.