Print Page Options

IKATLONG AKLAT

Ang Katarungan ng Diyos

Awit ni Asaf.

73 Kay buti ng Diyos sa taong matuwid,
    sa lahat ng taong ang puso'y malinis.
Ngunit ang sarili'y halos bumagsak,
    sa paghakbang ko'y muntik nang madulas!
Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga,
    at sa biglang yaman ng mga masama.
Ni hindi nagdanas ng anumang hirap,
    sila'y masisigla't katawa'y malakas.
Di tulad ng ibang naghirap nang labis,
    di nila dinanas ang buhay na gipit.
Ang pagmamalaki ay kinukuwintas,
    at ang dinaramit nila'y pandarahas.
Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan,
    at masasama rin ang nasa isipan;
mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila,
    ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang.
Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw,
    labis kung mag-utos sa mga nilalang;
10 kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos,
    anumang sabihi'y paniwalang lubos.
11 Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman,
    walang malay yaong Kataas-taasan.”
12 Ang mga masama'y ito ang kagaya,
    di na kinukulang ay naghahanap pa.
13 Samantalang ako, malinis ang palad,
    hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat.
14 Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap,
    sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.

15 Kung ang mga ito'y aking sasabihin,
    sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil;
16 kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,
    mahirap-hirap mang ito'y unawain.
17 Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas,
    na ang masasama ay mapapahamak;
18 dinala mo sila sa dakong madulas,
    upang malubos na, kanilang pagbagsak;
19 walang abug-abog sila ay nawasak,
    kakila-kilabot yaong naging wakas!
20 Parang panaginip nang ako'y magising,
    pati anyo nila'y nalimutan na rin.

21 Nang ang aking isip hindi mapalagay,
    at ang damdamin ko'y labis na nasaktan,
22 di ko maunawa, para akong tanga,
    sa iyong harapa'y hayop ang kagaya.
23 Gayon pa ma'y sinasamahan mo ako,
    sa aking paglakad ay inaakay mo.
24 Ang mga payo mo'y umakay sa akin,
    marangal na ako'y iyong tatanggapin.
25 Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang,
    at maging sa lupa'y, aking kailangan?
26 Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man,
    ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.

27 Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay,
    at ang nagtataksil wawasaking tunay.
28 Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako!
    Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag,
    ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.

IKATLONG AKLAT

Awit ni Asaf.

73 Tunay na ang Diyos ay mabuti sa Israel,
    sa mga taong ang puso'y malilinis.
Ngunit tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos natisod,
    ang mga hakbang ko'y muntik nang nadulas.
Sapagkat ako'y nainggit sa palalo;
    aking nakita ang kaginhawahan ng masama.

Sapagkat walang mga hapdi ang kanilang kamatayan,
    at ang kanilang katawan ay matataba.
Sila'y wala sa kaguluhan na gaya ng ibang mga tao;
    hindi sila nagdurusa na gaya ng ibang mga tao.
Kaya't ang kanilang kuwintas ay kapalaluan,
    ang karahasan ay tumatakip sa kanila bilang bihisan.
Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan,
    ang kanilang mga puso ay umaapaw sa kahangalan.
Sila'y nanlilibak at nagsasalita na may kasamaan,
    sila'y nagsasalita mula sa kaitaasan.
Kanilang inilagay ang kanilang mga bibig sa mga langit,
    at ang kanilang dila ay nagpapagala-gala sa ibabaw ng lupa.

10 Kaya't bumabalik dito ang kanyang bayan,
    at tubig ng kasaganaan ay iniinom nila.
11 At kanilang sinasabi, “Paanong nalalaman ng Diyos?
    May kaalaman ba sa Kataas-taasan?”
12 Narito, ang mga ito ang masasama;
    laging tiwasay, sa kayamanan ay sumasagana.
13 Sa walang kabuluhan ay pinanatili kong malinis ang aking puso,
    at ang aking mga kamay sa kawalang-sala ay hinuhugasan ko.
14 Sapagkat buong araw ako ay pinahihirapan,
    at tuwing umaga ay napaparusahan.

15 Kung aking sinabi, “Ako'y magsasalita ng ganito;”
    ako'y hindi magiging tapat sa salinlahi ng mga anak mo.
16 Ngunit nang aking isipin kung paano ito uunawain,
    sa akin ay parang napakahirap na gawain,
17 hanggang sa ako'y pumasok sa santuwaryo ng Diyos,
    saka ko naunawaan ang kanilang katapusan.
18 Tunay na sa madudulas na dako sila'y iyong inilalagay,
    iyong ibinabagsak sila sa kapahamakan.
19 Gaya na lamang ang pagkawasak nila sa isang iglap,
    tinatangay na lubusan ng mga sindak!
20 Sila'y gaya ng panaginip kapag nagigising ang isang tao,
    sa pagkagising ang kanilang larawan ay hinahamak mo.

21 Nang ang aking kaluluwa ay nagdamdam,
    nang ang kalooban ko'y nasaktan,
22 ako'y naging hangal at mangmang;
    ako'y naging gaya ng hayop sa harapan mo.
23 Gayunman ako'y kasama mong palagian,
    inaalalayan mo ang aking kanang kamay.
24 Sa iyong payo ako'y iyong pinapatnubayan,
    at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25 Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw?
    at liban sa iyo'y wala akong anumang ninanasa sa lupa.
26 Ang aking laman at ang aking puso ay maaaring manghina,
    ngunit ang Diyos ang lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman.

27 Sapagkat narito, malilipol silang malayo sa iyo;
    ang lahat na hindi tapat sa iyo ay winakasan mo.
28 Ngunit para sa akin, ang pagiging malapit ng Diyos ay aking kabutihan;
    ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Diyos,
    upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.

73 Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso.

Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas.

Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.

Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag.

Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.

Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.

Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.

Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan.

Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.

10 Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila.

11 At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan?

12 Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,

13 Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;

14 Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga.

15 Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.

16 Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin;

17 Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas,

18 Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan.

19 Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.

20 Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.

21 Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako:

22 Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.

23 Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan.

24 Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.

25 Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.

26 Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man.

27 Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.

28 Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.

BOOK III

Psalms 73–89

Psalm 73

A psalm of Asaph.

Surely God is good to Israel,
    to those who are pure in heart.(A)

But as for me, my feet had almost slipped;(B)
    I had nearly lost my foothold.(C)
For I envied(D) the arrogant
    when I saw the prosperity of the wicked.(E)

They have no struggles;
    their bodies are healthy and strong.[a]
They are free(F) from common human burdens;
    they are not plagued by human ills.
Therefore pride(G) is their necklace;(H)
    they clothe themselves with violence.(I)
From their callous hearts(J) comes iniquity[b];
    their evil imaginations have no limits.
They scoff, and speak with malice;(K)
    with arrogance(L) they threaten oppression.(M)
Their mouths lay claim to heaven,
    and their tongues take possession of the earth.
10 Therefore their people turn to them
    and drink up waters in abundance.[c]
11 They say, “How would God know?
    Does the Most High know anything?”

12 This is what the wicked are like—
    always free of care,(N) they go on amassing wealth.(O)

13 Surely in vain(P) I have kept my heart pure
    and have washed my hands in innocence.(Q)
14 All day long I have been afflicted,(R)
    and every morning brings new punishments.

15 If I had spoken out like that,
    I would have betrayed your children.
16 When I tried to understand(S) all this,
    it troubled me deeply
17 till I entered the sanctuary(T) of God;
    then I understood their final destiny.(U)

18 Surely you place them on slippery ground;(V)
    you cast them down to ruin.(W)
19 How suddenly(X) are they destroyed,
    completely swept away(Y) by terrors!
20 They are like a dream(Z) when one awakes;(AA)
    when you arise, Lord,
    you will despise them as fantasies.(AB)

21 When my heart was grieved
    and my spirit embittered,
22 I was senseless(AC) and ignorant;
    I was a brute beast(AD) before you.

23 Yet I am always with you;
    you hold me by my right hand.(AE)
24 You guide(AF) me with your counsel,(AG)
    and afterward you will take me into glory.
25 Whom have I in heaven but you?(AH)
    And earth has nothing I desire besides you.(AI)
26 My flesh and my heart(AJ) may fail,(AK)
    but God is the strength(AL) of my heart
    and my portion(AM) forever.

27 Those who are far from you will perish;(AN)
    you destroy all who are unfaithful(AO) to you.
28 But as for me, it is good to be near God.(AP)
    I have made the Sovereign Lord my refuge;(AQ)
    I will tell of all your deeds.(AR)

Footnotes

  1. Psalm 73:4 With a different word division of the Hebrew; Masoretic Text struggles at their death; / their bodies are healthy
  2. Psalm 73:7 Syriac (see also Septuagint); Hebrew Their eyes bulge with fat
  3. Psalm 73:10 The meaning of the Hebrew for this verse is uncertain.

LIBRO III

El destino de los malos

Salmo de Asaf.

73 Ciertamente es bueno Dios para con Israel,

Para con los limpios de corazón.

En cuanto a mí, casi se deslizaron mis pies;

Por poco resbalaron mis pasos.

Porque tuve envidia de los arrogantes,

Viendo la prosperidad de los impíos.

Porque no tienen congojas por su muerte,

Pues su vigor está entero.

No pasan trabajos como los otros mortales,

Ni son azotados como los demás hombres.

Por tanto, la soberbia los corona;

Se cubren de vestido de violencia.

Los ojos se les saltan de gordura;

Logran con creces los antojos del corazón.

Se mofan y hablan con maldad de hacer violencia;

Hablan con altanería.

Ponen su boca contra el cielo,

Y su lengua pasea la tierra.

10 Por eso Dios hará volver a su pueblo aquí,

Y aguas en abundancia serán extraídas para ellos.

11 Y dicen: ¿Cómo sabe Dios?

¿Y hay conocimiento en el Altísimo?

12 He aquí estos impíos,

Sin ser turbados del mundo, alcanzaron riquezas.

13 Verdaderamente en vano he limpiado mi corazón,

Y lavado mis manos en inocencia;

14 Pues he sido azotado todo el día,

Y castigado todas las mañanas.

15 Si dijera yo: Hablaré como ellos,

He aquí, a la generación de tus hijos engañaría.

16 Cuando pensé para saber esto,

Fue duro trabajo para mí,

17 Hasta que entrando en el santuario de Dios,

Comprendí el fin de ellos.

18 Ciertamente los has puesto en deslizaderos;

En asolamientos los harás caer.

19 ¡Cómo han sido asolados de repente!

Perecieron, se consumieron de terrores.

20 Como sueño del que despierta,

Así, Señor, cuando despertares, menospreciarás su apariencia.

21 Se llenó de amargura mi alma,

Y en mi corazón sentía punzadas.

22 Tan torpe era yo, que no entendía;

Era como una bestia delante de ti.

23 Con todo, yo siempre estuve contigo;

Me tomaste de la mano derecha.

24 Me has guiado según tu consejo,

Y después me recibirás en gloria.

25 ¿A quién tengo yo en los cielos sino a ti?

Y fuera de ti nada deseo en la tierra.

26 Mi carne y mi corazón desfallecen;

Mas la roca de mi corazón y mi porción es Dios para siempre.

27 Porque he aquí, los que se alejan de ti perecerán;

Tú destruirás a todo aquel que de ti se aparta.

28 Pero en cuanto a mí, el acercarme a Dios es el bien;

He puesto en Jehová el Señor mi esperanza,

Para contar todas tus obras.