Mga Awit 58
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Panalangin para Parusahan ng Diyos ang Masasama
Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng “Huwag Mong Sirain”. Isang Miktam.[a]
58 Tama ba ang hatol ng mga pinuno?
Ang hatol ba ninyo'y pantay at totoo?
2 Hindi! Pagkat ang inyong binabalangkas
pawang karahasa't gawaing di tama.
3 Iyang masasama sa mula't mula pa,
mula sa pagsilang ay sinungaling na.
4 Sila'y makamandag, ahas ang kaparis,
katulad ay kobrang ang tainga ay may takip;
5 itong mga tawak at salamangkero,
di niya dinirinig, hindi pansin ito.
6 Bungiin ang ngipin nila, O Panginoon,
alisin ang pangil niyong mga leon.
7 Itapon mo silang katulad ng tubig,
sa daa'y duruging parang mga yagit.
8 Parang mga susô, sa dumi magwakas,
batang di nabuhay sa sangmaliwanag.
9 Puputulin silang hindi nila batid,
itatapon ng Diyos sa tindi ng galit;
bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit.
10 Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap;
pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak.
11 Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan;
tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!”
Footnotes
- Mga Awit 58:1 MIKTAM: Tingnan ang Awit 16.
Mga Awit 58
Ang Biblia (1978)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (A)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (B)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (C)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (D)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (E)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(F)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (G)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(H)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (I)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (J)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (K)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (L)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (M)humahatol sa lupa.
Awit 58
Ang Dating Biblia (1905)
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador, na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Oh Dios, sa kanilang bibig: iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi: na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong, kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid: katotohanang may Dios na humahatol sa lupa.
Mga Awit 58
Ang Biblia, 2001
Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Huwag Wasakin. Miktam ni David.
58 Tunay bang kayo'y nagsasalita nang matuwid, kayong mga diyos?
Matuwid ba kayong humahatol, O kayong mga anak ng tao?
2 Hindi, sa inyong mga puso ay nagsisigawa kayo ng kamalian;
sa lupa ang karahasan ng inyong mga kamay ay inyong tinitimbang.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata,
silang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay naliligaw mula sa pagkapanganak.
4 Sila'y may kamandag na gaya ng kamandag ng ahas,
gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kanyang pandinig,
5 kaya't hindi nito naririnig ang tinig ng mga engkantador,
ni ang tusong manggagayuma.
6 O Diyos, basagin mo ang mga ngipin sa kanilang mga bibig;
tanggalin mo ang mga pangil ng mga batang leon, O Panginoon!
7 Parang tubig na papalayong umaagos ay maglaho nawa sila,
kapag iniumang na niya ang kanyang mga palaso, maging gaya nawa sila ng mga pirasong naputol.
8 Maging gaya nawa ng kuhol na natutunaw habang nagpapatuloy,
gaya ng wala sa panahong panganganak na hindi nakakita ng araw kailanman.
9 Bago makaramdam ang inyong mga palayok sa init ng dawag,
kanyang kukunin ang mga iyon ng ipu-ipo ang sariwa at gayundin ang nagniningas.
10 Magagalak ang matuwid kapag nakita niya ang paghihiganti;
kanyang huhugasan ang kanyang mga paa ng dugo ng masama.
11 Sasabihin ng mga tao, “Tiyak na sa matuwid ay may gantimpala,
tiyak na may Diyos na humahatol sa lupa.”
Psalm 58
New International Version
Psalm 58[a]
For the director of music. To the tune of “Do Not Destroy.” Of David. A miktam.[b]
1 Do you rulers indeed speak justly?(A)
Do you judge people with equity?
2 No, in your heart you devise injustice,(B)
and your hands mete out violence on the earth.(C)
3 Even from birth the wicked go astray;
from the womb they are wayward, spreading lies.
4 Their venom is like the venom of a snake,(D)
like that of a cobra that has stopped its ears,
5 that will not heed(E) the tune of the charmer,(F)
however skillful the enchanter may be.
6 Break the teeth in their mouths, O God;(G)
Lord, tear out the fangs of those lions!(H)
7 Let them vanish like water that flows away;(I)
when they draw the bow, let their arrows fall short.(J)
8 May they be like a slug that melts away as it moves along,(K)
like a stillborn child(L) that never sees the sun.
9 Before your pots can feel the heat of the thorns(M)—
whether they be green or dry—the wicked will be swept away.[c](N)
10 The righteous will be glad(O) when they are avenged,(P)
when they dip their feet in the blood of the wicked.(Q)
11 Then people will say,
“Surely the righteous still are rewarded;(R)
surely there is a God who judges the earth.”(S)
Footnotes
- Psalm 58:1 In Hebrew texts 58:1-11 is numbered 58:2-12.
- Psalm 58:1 Title: Probably a literary or musical term
- Psalm 58:9 The meaning of the Hebrew for this verse is uncertain.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

