Add parallel Print Page Options

Ang Diyos ay Sumasaatin

Katha ng angkan ni Korah upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Alamot[a]

46 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
    at handang saklolo kung may kaguluhan.
Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,
    kahit na sa dagat ang bundok matangay;
kahit na magngalit yaong karagatan,
    at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)[b]

May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,
    sa banal na templo'y ligaya ang dulot.
Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
    ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
    mula sa umaga ay kanyang alaga.
Nangingilabot din bansa't kaharian,
    sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.

Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,
    ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)[c]

Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
    sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!
Maging pagbabaka ay napatitigil,
    sibat at palaso'y madaling sirain;
    baluting sanggalang ay kayang tupukin!
10 Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,
    kataas-taasan sa lahat ng bansa,
    sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”

11 Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan;
    ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)[d]

Footnotes

  1. Mga Awit 46:1 ALAMOT: Maaaring ang kahulugan ng salitang ito'y “ayon sa tinig ng babae” o kaya'y “mataas na tono”.
  2. Mga Awit 46:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
  3. Mga Awit 46:7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
  4. Mga Awit 46:11 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.

 神同在是最好的保障

可拉子孫的歌,交給詩班長,用女高調。

46  神是我們的避難所,是我們的力量,

是我們在患難中隨時都可得到的幫助。

因此,地雖然震動,

群山雖然崩塌入海洋的深處,

我們也不害怕。

雖然海浪翻騰澎湃,

雖然山嶽因波濤洶湧搖動,

我們也不害怕。(細拉)

有一條河,它眾多的支流使 神的城充滿快樂;

這城就是至高者居住的聖所。

 神在城中,城必不動搖;

天一亮, 神必幫助它。

列邦喧嚷,萬國動搖;

 神一發聲,地就融化。

萬軍之耶和華與我們同在;

雅各的 神是我們的保障。(細拉)

你們都來,看耶和華的作為,

看他怎樣使地荒涼。

他使戰爭止息,直到地極;

他把弓折毀,把矛砍斷,

把戰車用火焚燒。

10 你們要住手,要知道我是 神;

我要在列國中被尊崇,我要在全地上被尊崇。

11 萬軍之耶和華與我們同在;

雅各的 神是我們的保障。(細拉)

歌頌 神是全地的王

可拉子孫的詩,交給詩班長。

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.

46 Ang Dios ay (A)ating ampunan at kalakasan,
(B)Handang saklolo sa kabagabagan.
Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
(C)May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya (D)sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
(E)Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
(F)Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
(G)Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
(H)Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
11 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.

Psalm 46

God Our Refuge

For the choir director. A song of the sons of Korah. According to Alamoth.[a](A)

God is our refuge and strength,
a helper who is always found
in times of trouble.(B)
Therefore we will not be afraid,
though the earth trembles
and the mountains topple
into the depths of the seas,(C)
though its waters roar and foam
and the mountains quake with its turmoil.(D)Selah

There is a river—
its streams delight the city of God,
the holy dwelling place of the Most High.(E)
God is within her; she will not be toppled.
God will help her when the morning dawns.(F)
Nations rage, kingdoms topple;
the earth melts when He lifts His voice.(G)
The Lord of Hosts is with us;
the God of Jacob is our stronghold.(H)Selah

Come, see the works of the Lord,
who brings devastation on the earth.(I)
He makes wars cease throughout the earth.
He shatters bows and cuts spears to pieces;
He burns up the chariots.[b](J)
10 “Stop your fighting—and know that I am God,
exalted among the nations, exalted on the earth.”(K)
11 Yahweh of Hosts is with us;
the God of Jacob is our stronghold.(L)Selah

Footnotes

  1. Psalm 46:1 This may refer to a high pitch, perhaps a tune sung by soprano voices; the Hb word means “young women.”
  2. Psalm 46:9 Lit chariots with fire