Mga Awit 46
Magandang Balita Biblia
Ang Diyos ay Sumasaatin
Katha ng angkan ni Korah upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Alamot[a]
46 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
    at handang saklolo kung may kaguluhan.
2 Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,
    kahit na sa dagat ang bundok matangay;
3 kahit na magngalit yaong karagatan,
    at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)[b]
4 May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,
    sa banal na templo'y ligaya ang dulot.
5 Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
    ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
    mula sa umaga ay kanyang alaga.
6 Nangingilabot din bansa't kaharian,
    sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.
7 Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,
    ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)[c]
8 Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
    sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!
9 Maging pagbabaka ay napatitigil,
    sibat at palaso'y madaling sirain;
    baluting sanggalang ay kayang tupukin!
10 Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,
    kataas-taasan sa lahat ng bansa,
    sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
11 Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan;
    ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)[d]
Footnotes
- Mga Awit 46:1 ALAMOT: Maaaring ang kahulugan ng salitang ito'y “ayon sa tinig ng babae” o kaya'y “mataas na tono”.
- Mga Awit 46:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
- Mga Awit 46:7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
- Mga Awit 46:11 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.