Mga Awit 45:14-15
Ang Biblia (1978)
14 Siya'y ihahatid sa hari na (A)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
Awit ng mga Awit 3:9
Ang Biblia (1978)
9 Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin
Na kahoy sa Libano,
Awit ng mga Awit 3:11
Ang Biblia (1978)
11 Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon,
Na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina,
(A)Sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa,
At sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.
Awit ng mga Awit 7:5
Ang Biblia (1978)
5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo,
At ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube;
Ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
Awit ng mga Awit 8:11-12
Ang Biblia (1978)
11 Si Salomon ay (A)may ubasan sa Baal-hamon;
(B)Kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala;
Bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.
12 Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko;
Ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo,
At ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978