Font Size
Mga Awit 44:2-4
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 44:2-4
Ang Biblia (1978)
2 (A)Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa,
Nguni't itinatag mo sila;
Iyong dinalamhati ang mga bayan,
Nguni't iyong pinangalat sila.
3 (B)Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak,
Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay:
Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng (C)liwanag ng iyong mukha,
(D)Sapagka't iyong nilingap sila.
4 (E)Ikaw ang aking Hari, Oh Dios:
(F)Magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978