Mga Awit 41
Magandang Balita Biblia
Panalangin ng Isang Maysakit
Awit na katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.
41 Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap,
    si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag.
2 Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak,
    sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak,
    at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad.
3 Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit,
    ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.
4 Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala,
    iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!”
5 Yaong mga kaaway ko, ang palaging binabadya,
    “Kailan ka mamamatay, ganap na mawawala?”
6 Yaong mga dumadalaw sa akin ay hindi tapat;
    ang balitang masasama ang palaging sinasagap,
    at saan ma'y sinasabi upang ako ay mawasak.
7 Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan,
    ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan.
8 Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan,
    hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman.
9 Lubos(A) akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan
    kasalo ko sa tuwina, karamay sa anuman;
    ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.
10 Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan;
    ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.
11 Kung ikaw ay nalulugod, ganito ko malalaman,
    sa aki'y di magwawagi kahit sino ang kaaway.
12 Tulungan mo ako ngayon, yamang ako'y naging tapat.
    Sa piling mo ay patuloy na ingatan akong ganap.
13 Purihin(B) si Yahweh, ang Diyos ng Israel!
Purihin siya, ngayon at magpakailanman!
Amen! Amen!
Psalm 41
Holman Christian Standard Bible
Psalm 41
Victory in Spite of Betrayal
For the choir director. A Davidic psalm.
1 Happy is one who cares for the poor;
the Lord will save him in a day of adversity.(A)
2 The Lord will keep him and preserve him;
he will be blessed in the land.(B)
You will not give him over to the desire of his enemies.(C)
3 The Lord will sustain him on his sickbed;
You will heal him on the bed where he lies.(D)
4 I said, “Lord, be gracious to me;
heal me, for I have sinned against You.”(E)
5 My enemies speak maliciously about me:
“When will he die and be forgotten?”(F)
6 When one of them comes to visit, he speaks deceitfully;
he stores up evil in his heart;
he goes out and talks.(G)
7 All who hate me whisper together about me;
they plan to harm me.(H)
8 “Lethal poison has been poured into him,
and he won’t rise again from where he lies!”(I)
9 Even my friend[a] in whom I trusted,
one who ate my bread,
has raised his heel against me.(J)
10 But You, Lord, be gracious to me and raise me up;
then I will repay them.(K)
11 By this I know that You delight in me:(L)
my enemy does not shout in triumph over me.(M)
12 You supported me because of my integrity(N)
and set me in Your presence forever.(O)
13 May Yahweh, the God of Israel, be praised
from everlasting to everlasting.
Amen and amen.(P)
Footnotes
- Psalm 41:9 Lit Even a man of my peace
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Copyright © 1999, 2000, 2002, 2003, 2009 by Holman Bible Publishers, Nashville Tennessee. All rights reserved.
