Font Size
Mga Awit 39:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 39:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Tunay akong tatahimik, wala akong sasabihin,
pagkat lahat ng dinanas, pawang dulot mo sa akin.
10 Huwag mo akong parusahan, parusa mo ay itigil;
sa hampas na tinatanggap ang buhay ko'y makikitil.
11 Kung ang tao'y magkasala, ang parusa mo ay galit;
parang isang gamu-gamong pinatay ang iniibig;
tunay na ang isang tao'y hangin lamang ang kaparis! (Selah)[a]
Footnotes
- 11 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.