Mga Awit 37:18-20
Ang Biblia (1978)
18 (A)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (B)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (C)mangapupugnaw sila.
Mga Awit 37:18-20
Ang Biblia, 2001
18 Nalalaman ng Panginoon ang mga araw ng mga walang kapintasan,
at ang kanilang mana ay mananatili magpakailanman.
19 Hindi sila mapapahiya sa panahon ng kasamaan;
sa mga araw ng taggutom ay mayroon silang kasaganaan.
20 Ngunit ang masama ay mamamatay,
ang mga kaaway ng Panginoon ay gaya ng luwalhati ng mga pastulan,
sila'y nawawala—gaya ng usok sila'y napaparam.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
