Mga Awit 35:21-23
Magandang Balita Biblia
21 Ang paratang nila na isinisigaw:
“Ang iyong ginawa ay aming namasdan!”
22 Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid,
kaya, Panginoon, huwag kang manahimik;
ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis!
23 Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol,
iyong ipaglaban ako, Panginoon.
Mga Awit 35:21-23
Ang Biblia (1978)
21 Oo, (A)Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin;
Kanilang sinasabi: (B)Aha, aha, nakita ng aming mata.
22 Iyong (C)nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik,
Oh Panginoon, (D)huwag kang lumayo sa akin.
23 (E)Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan,
Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
Mga Awit 35:21-23
Ang Biblia, 2001
21 Kanilang ibinubuka nang maluwang ang bibig nila laban sa akin;
kanilang sinasabi: “Aha, aha,
nakita iyon ng mga mata namin!”
22 Iyong nakita ito, O Panginoon; huwag kang tumahimik,
O Panginoon, huwag kang lumayo sa akin!
23 Kumilos ka, at gumising ka para sa aking karapatan,
Diyos ko at Panginoon ko, para sa aking ipinaglalaban!
Psalm 35:21-23
New Revised Standard Version Updated Edition
21 They open wide their mouths against me;
they say, “Aha, Aha,
our eyes have seen it.”(A)
22 You have seen, O Lord; do not be silent!
O Lord, do not be far from me!(B)
23 Wake up! Rouse yourself for my defense,
for my cause, my God and my Lord!(C)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
New Revised Standard Version, Updated Edition. Copyright © 2021 National Council of Churches of Christ in the United States of America. Used by permission. All rights reserved worldwide.
