Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 33:7-9
Ang Biblia, 2001
Mga Awit 33:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Kanyang tinipon ang mga tubig ng dagat na gaya sa isang bunton;
    inilagay niya ang mga kalaliman sa mga imbakan.
8 Matakot nawa sa Panginoon ang sandaigdigan,
    magsitayo nawang may paggalang sa kanya ang lahat ng naninirahan sa sanlibutan!
9 Sapagkat siya'y nagsalita at iyon ay naganap,
    siya'y nag-utos, at iyon ay tumayong matatag.
