Mga Awit 22:6
Ang Biblia (1978)
Isaias 53:2-3
Ang Biblia (1978)
2 (A)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (B)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.
3 Siya'y hinamak at itinakuwil (C)ng mga tao; isang (D)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (E)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
Read full chapter
Daniel 9:26
Ang Biblia (1978)
26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, (A)mahihiwalay ang pinahiran, (B)at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.
Read full chapter
Zacarias 13:7
Ang Biblia (1978)
7 Gumising ka, Oh tabak, laban sa (A)pastor ko, at laban sa lalake na aking (B)kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (C)saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978